Ang pinaka-OP na handgun ng Call of Duty Warzone, ang Skykov, ay humina na sa wakas matapos ito ma-nerf sa iilang attachments nito.
Bagamat isang standard handgun ang Skykov, maaring gawin itong isang close-range bullet machine na may dagdag na attachments ng Akimbo, Sorokin 140mm Auto at 80 Round Drums.
Dahil sa lakas nito bilang isang secondary gun, nag-lapag ang mga developers ng unang wave ng nerfs noong April 19 bilang quick fix. Ang mga detalye ay:
- Sorokin 140mm Auto (Sykov): Hip spread ay tumaas
- Akimbo (Sykov): Movement speed ay bumaba ng by 5%.
- 80 Round Drums (Sykov): Movement speed ay bumaba ng 5%. ADS movement speed bumaba ng 7%. Kapag in-equip ang Sykov sa Sorokin 140mm Auto at Akimbo attachment, bababa ang damage ng 25% ng may minimum na 19%
Kahit na noong unang update pa lang, nagdududa na ang mga players kung may nagbago ba sa gameplay. Sinubukan ng streamer na si Timothy “TimTheTatman” Betar ang gun combo na ito and sinabing “busted” ang pakiramdam nito.
Malipas ang dalawang araw, dinoble ng developers ang gun loadout sa pamamagitan ng dalawa pang nerfs sa damage output ng Skykov sa paparating na Season 3 update.
- Sorokin 140mm Auto (Sykov)
- Minimum damage ay na-reduce mula sa 23 patungong 19.
- Sorokin 140mm Auto AND Akimbo (Sykov)
- Minimum damageay na-reduce mula sa 19 patungong 14.
- Ang weapon lang ang apektado kapag parehas na Sorokin 140mm Auto at ang Akimbo attachment ay na-equip nang sabay-sabay.
“The Sykov, when equipped with any permutation of the Sorokin 140mm Auto has been far more lethal at range than we would prefer,” sabi ng Activision at Raven Software. “When secondary weapons can go toe-to-toe with, or even best a primary weapon consistently, we risk streamlining access to one of the most powerful Perks in the game, Ghost.”
Para sa higit pang impormasyon, maaring I-check at ang full Call of Duty: Warzone Season 3 patch notes.