Kasabay ng paglabas ng Season 3 Reloaded sa MW3 at Warzone ang Vortex Virus Mainframe event. Naghatid ang event na ‘to ng mga panibagong pagsubok at cosmetic goodies. 

MW3 at Warzone Vortex Virus Mainframe event — Challenges at free rewards 

COD Vortex Virus Mainframe event
Credit: Tridzo YouTube Channel

Magtatagal ang MW3 at Warzone Vortex Virus Mainframe event nang dalawang linggo . Narito ang listahan: 

ITEM TYPE XP REQUIREMENT 
Loadout Weapon Sticker 9,500 
Double Weapon XP Token Consumable 21,500 
Point and Click Large Decal 36,550 
Double Battle Pass XP Token Consumable 55,600 
Pop-Up, Pop-Off Emblem 79,500 
Going Viral Large Decal 109,700 
Got Hacked Calling Card 147,700 
Tier Skip Battle Pass 195,600 
Block Fly Charm 255,950 
Sneakin’ In Weapon Sticker 332,000 
Error Code Calling Card 427,800 
Binary Morality Camo 548,500 

Paano makuha ang mga libreng rewards 

COD Vortex Virus Mainframe event
Credit: Tridzo YouTube Channel


Sa kabutihang-palad, accessible ang Vortex Virus Mainframe event. Hindi mo kailangang kumpletuhin ang mga iba pang tasks o mangibabaw sa leaderboards. 

Kailangan mo lang lumahok sa mga match sa MW3, MW3 Zombies, o Warzone, para makakuha ng XP at ma-unlock ang mga rewards. 

Mga tips para makuha mo nang mas mabilis ang mga rewards:

  • Double XP Weekends: Bantayan ang Double XP weekends para mas mapabilis ang iyong progress 
  • Playlist Selection: Pumili ng mga game modes na naaayon sa iyong playstyle para makaipon ng XP nang mas mabilis 
  • Gamitin ang Bonus: Kung mayroon man, i-equip ang kahit anong event-specific na XP bonus items 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa COD. 

BASAHIN: Ilang Call of Duty games ang meron sa franchise?