Lahat ng mga Call of Duty fans, manood na sa May 15 para sa isang matinding gabi ng Warzone action!
Hatid sainyo ng ONE Esports at Activision Blizzard, nag-anyaya ang ONE Esports Call of Duty: Warzone Showdown ng walong celebrity streamers para maglaban-laban sa Verdansk ‘84 para sa isang US$15,000 prize pool.
Saan maaring panoorin ang Warzone Showdown
Maaring panoorin ng mga viewers ang ONE Esports Call of Duty: Warzone Showdown sa aming official streaming channels:
Schedule ng Warzone Showdown
Gaganapin ang ONE Esports Call of Duty: Warzone Showdown sa May 15 simula 8 p.m. (GMT+8)
Ito ang kumpletong schedule ng matches:
- Quarterfinals Match A: 8.15 p.m. – 8.40 p.m.
- Quarterfinals Match B: 8.40 p.m. – 9.05 p.m.
- Quarterfinals Match C: 9.05 p.m. – 9.30 p.m.
- Quarterfinals Match D: 9.30 p.m. – 9.55 p.m.
- Semifinals Match A: 9.55 p.m. – 10.20 p.m.
- Semifinals Match B: 10.20 p.m. – 10.45 p.m.
- Grand Finals: 10.45 p.m. – 11.10 p.m.
Streamers na lalahok sa Warzone Showdown
Kumuha ang Warzone Showdown ng walong battle-hardened na streamers na handa para sa kahit anong labanan sa warzone.

- Alita Zunic
- Alodia Gosiengfiao
- Ashley Gosiengfiao
- Een Mercado
- Khenji Gaming
- Maggie Karp
- Myrtle Sarrosa
- Tricia Potato
Pipili ang streamers ng dalawang fans para samahan sila sa kanilang three-man team.
Magbabakbakan ang mga teams sa isang serye ng matches, at ang layunin ay makakuha sila ng pinakamaraming kills. Lahat ng teams ay mabibigyan ng limited na oras para maglaro sa mga public lobbies para maka-score ng points.
Ang isang kill ay katumbas ng 1 point at ang winning team ay makakatanggap ng extra 5 points. Ang team na may pinakamaraming points ang susulong sa next round ng single elimination bracket.
Siguraduhing naka-bookmark ang aming event site sa inyong mga devices para kayo ay manatiling up to date sa lahat ng aksyon para sa ONE Esports Call of Duty: Warzone Showdown.