Maraming mga idaragdag sa bagong Season 3 Reloaded update ng Modern Warfare 3. Kasabay ng panibagong content, isang sikat na playlist din ang magbabalik – ang Vortex Playlist. 

Lumabas na ang playlist na ‘to sa nakalipas na season at magbabalik muli para sa paparating na Season 3 Reloaded update.



MW3 Vortex Playlist ipinaliwanag 

COD MW3 Vortex Playlist skidgrow map
Credit: Activision


Ang Vortex Playlist ay isang Free for All mode na base sa binagong versions ng mga fan-favourite maps mula sa orihinal na Modern Warfare 2. 

Binago ang tema ng mga mapa na ‘to para magkaroon ng nakakatakot na vibe, tulad ng mga nakita natin sa Zombies mode ng laro. Sa kasalukuyan, mayroong limang mapa ang nasa playlist: 

  • Satan’s Quarry, base sa Quarry 
  • Sporeyard, base sa Scrapyard 
  • Tetanus, base sa Rust 
  • Skidgrow, base sa Skidrow 
  • Airborne, base saTerminal 

Ang Vortex Playlist ay tulad ng Mosh Pit playlist na kasama ang mga mapa na binanggit sa taas. Ibig sabihin nito ay magkakaroon ito ng basic 6v6 modes tulad ng Team Deathmatch, Hardpoint, Kill Confirmed, at Domination. 

Sa ngayon, ang major na pagkakaiba lamang nito sa ibang mga playlists ay maaring laruin ng mga players ang mga spooky versions ng mga fan-favourite na MW2 maps na ‘to. 

Magiging available ito sa limitadong oras lamang, kaya siguraduhin dapat ng mga players na ma-enjoy nila ang lahat ng playlists. 

Isang masayang paraan din ang playlist na ‘to para makakuha ng XP para sa Vortex Virus Mainframe Event at Binary Morality Camo.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa CoD. 

BASAHIN: Paano ma-unlock ang JAK Revenger Kit sa Modern Warfare 3 at Warzone