Iba’t-iba ang koleksyon ng baril sa Call of Duty: Warzone. Ito ay mayroong mahigit 70 weapons, kaya naman maraming mga newcomers ang gusto malaman kung ano nga ba dapat ang gamitin sa field.
Para matulungan ka maging matagumpay sa bagong season gamit ang mga in-meta picks, ito ang mga nirerekomenda naming weapons sa Warzone na dapat mong gamitin ayon sa kaniyang klase.
Ang pinakamatinding Warzone Assault Rifle: AK-47 (Black Ops)

Paano ma-unlock: Abutin ang Character Level 7
Bilang isang iconic na weapon, ang AK-47 ang go-to na baril ng kahit sinong may gusto gumamit ng standard battle rifle.
Bagamat maraming tao ang may ayaw sa baril na ito dahil sa kaniyang nakakalitong recoil pattern, gumawa ang mga developers ng onting adjustments para maibalik ang AK-47 sa meta.
Bilang isang accessible na baril na mayroong mataas na damage output, isang maasahang gamit ang AK-47 sa kahit anong Warzone loadout na may kailangan ng medium hanggang long-range domination.
Ang pinakamatinding Warzone Submachine gun

Paano ma-unlock: Gamit ang mga SMG, pumatay ng dalawa o higit sa dalawang players sa loob ng 15 na iba’t-ibang matches
Bilang isang paborito sa Season 2, ang MAC-10 ay nanatiling isang malakas na close-range weapon.
Sa kabila ng pag-nerf sa kaniyang damage sa Season 3, ang pangunahing advantage ng SMG na ito ay ang kaniyang speedy fire rate.
Dahil sa kaniyang maraming attachments na maari mong pagpilian, magagamit mo ang MAC-10 bilang isang spray-and-pray killer sa malapitan o gamitin ang kaniyang range para makapatay ng mga malalayong kalaban.
Ang pinakamatinding Warzone Shotgun

Paano ma-unlock: Abutin ang Character Level 1
Bilang isa pang accessible na weapon, ang R9-0 shotgun ay kayang-kaya pumatay ng kalaban sa malapitang bakbakan.
Dahil sa double-barrel na naka-equip dito, maari kang bumaril ng dalawang rapid shots bago ang bawat re-chamber, at maari kang lumabas pasok nang hindi na kailangan aalalahanin ang pag-reload.
Bagamat hindi ito nagdudulot ng damage tulad ng pump-action, maasahan mo pa rin ang mobility at mas mabilis na fire rate ng R9-0.
Ang pinakamatinding Warzone Light Machine gun

Paano ma-unlock: Abutin ang Character Level 24
Dahil sa pag-nerf ng maraming top-tier SMGs tulad ng Bullfrog, maaring tinutulak ng Activision ang Warzone sa isang LMG-dominant meta, at ang SA87 ang pinakamagandang baril na pwede mong gamitin sa pagpasok dito.
Nangingibabaw ang SA97 bilang isang LMG na nangunguna sa mobility at control. Ngunit mukhang standard ang kaniyang stats, maari kang mag-attach ng Tac Laser para tumaas ang kaniyang ADS time bonus. Mayroon din itong recoil pattern na madali lang makontrol matapos ang ilang sessions.
Ang pinakamatinding Warzone Tactical Rifle

Paano ma-unlock: Abutin ang Character Level 10
Tulad ng AK-47, ang M16 ay isang all-time favorite sa mga nakaraang seasons dahil sa kaniyang damage output at bullet velocity. Kahit na ni-nerf ng Raven Software ang kaniyang damage at oras sa pagitan ng bursts, makakaasa pa din ng parehas an gameplay mula sa tactical rifle na ito.
Mas mabuti makita ang M16 bilang isang solid medium-range armament. Siguraduhing gamitin ang kaniyang range para mabigyan mo ang sarili mo ng sapat na oras para ma-line up ang iyong mga burst fires para makakuha ng kill.
Ang pinakamatinding Warzone Marksman Rifle

Paano ma-unlock: Abutin ang Character Level 33
Tatak na isang marksman rifle, ang Kar98K ay isang maangas na long-range weapon na maaring kalabanin ang mas mabagal na variants niya sa klase ng sniper rifle.
Sa kaniyang mataas na damage output at mabisang adaptable fire rate, maari mong gamitin ang WW2 relic na ito para makahuli ng mga kalaban na nagaabang saiyo at sa squad mo galing sa malayong lugar.
Isang perpektong baril ang Kar98K para sa mas malawak na landscape ng Verdansk ‘84, lalong-lalo na sa mga lugar tulad ng Downtown at Stadium.
Ang pinakamatinding Warzone Sniper Rifle

Paano ma-unlock: Abutin ang Character Level 11
Isa sa mga sniper rifles na hindi ginalaw sa Warzone Season 3, ang HDR ay nanatiling isang high-grade na option para sa mga tao na gustong makakuha ng perpektong shot.
Bagamat mas gusto ng mga mas fast-paced na players ang Kar98k kesa sa mas bagal na sniper rifle na ito, mas mataas naman ang damage at bullet velocity ng HDR, at ito ay magbibigay saiyo ng opsyong patumbahin ang kalaban mula sa malayong vantage point.
Ang pinakamatinding Warzone Handgun

Paano ma-unlock: Abutin ang Character Level 4
Kahit na pinupuri ng mga tao ang Skykov at ang kaniyang matinding Akimbo attachments, makapagbibigay ang 1911 ng mas simpleng approach sa secondary slot mo.
Bilang isang base handgun, bibigyan ka ng mobility ng 1911 sa kahit anong engkwentro. Kung nahanap mo ang sarili mo na hindi makalabas sa isang lugar at ubos na ang AR mag mo, maari kang lumipat sa 1911 at makakakuha ka ng onting hail-mary shots para panalunin ang laban.
Ang pinakamatinding Warzone Rocket Launcher

Paano ma-unlock: Abutin ang Character Level 35
Isang paboritong weapon sa Modern Warfare, isang magandang desisyon gamitin ang JOKR para sa launcher class.
Bilang isang fire-and-forget weapon, ang JOKR ay pinaka-eksaktong launcher na may pinakamagandang range. Ang paglipat ng mga trucks at helicopters ay mahirap gawin, ngunit maari mo itong pasabugin gamit ang launcher na ito.
Ang pinakamatinding Warzone Melee Weapon

Paano ma-unlock: Gamit ang Knife, magsagawa ng dalawang finishing moves sa loob ng 10 na iba’t-ibang matches
Bagamat ang melee weapon type ay hindi masyadong epektibo sa field, ang Wakizashi ay tiyak na isang flex sa kahit anong kill-confirm na sitwasyon.
Ang katana-like na sword na ito ay magbibigay saiyo ng mobility habang tumatakbo ka papasok at palabs ng mga gusali. Kung may tsansya ka mag-perform ng finishing moves, humanda kang panooring ang operator mong hiwain ang kalaban ng walang kahirap-hirap.