Dinala ng Call of Duty: Warzone Season 3 ang mga soldiers pabalik sa 1980s sa kanilang Verdansk ‘84 na mapa. Bagamat ang mga paborito mong lokasyon tulad ng Stadium at Superstore ay maroon ng retro flair, ang mga returning players ay may maasahang bagong lugar na pwede nilang tuklasin.
Ito ang bawat bagong lokasyon na pwede mong mapuntahan sa Verdansk ‘84 map ng Warzone.
Grid Radar Array

Isa sa mga malalaking dinagdag sa Verdansk ay ang Grid Radar Array – isang multi-level structure na maaring makita sa kahit anong lugar sa mapa.
Bagamat maaring nagmukhang isang piraso ng architecture, maari mong ma-access ang Grid Radar Array gamit ang mga ladders at ang ascender. Pag narating mo na ang tuktok, magkakaroon ka ng magandang sightline sa Central Verdansk ngunit ikaw ay makikita mula sa magkabilang anggulo.
Factory

Isang jog lang ang layo sa Superstore, ang Factory ay pumasok bilang isang bagong hot drop sa gitna ng Verdansk. Pinalitan ng area ang car dealership at water treatment plant ng isang tarmac na punong-puno ng mga gusali, plane parts at sasakyan.
Bagamat hindi masyadong tago ang lugar, maari kang makahanap ng takip sa apat na malalaking warehouses kung saan pwede mong labanan ang mga stray teams na galing ng Superstore at Airport.
Old Mine

Noo’y isang mabatong lupa, ang Northwest Verdansk ay tumayo bilang isang serye ng mine workings, perpekto para sa isang quick stop matapos puntahan ang Summit. Dahil ang mga gusali ay malapit lang sa isa’t-isa, maari mong magamit ang espasyo na ito para makipagbakbakan sa isang close-quarters combat laban ang ibang teams.
Sa unang tingin, hindi kinokonsiderang top location para sa loot ang Old Mine, pero maaring magbukas ang mga developers ng interior mine complex sa susunod sa patch para makaakit ng tao.
Karst Salt Mine

Sa katapat na parte ng mapa, nagtampok ang Verdansk ‘84 ng mas active at expansive Salt Mine na nagbigay buhay sa dati nitong identity na Quarry. Makikita mo ang sarili mong tumatakbo sa industrial complex na ito ng may sapat na loot para sa’yo at saiyong squad.
Ngunit ‘wag kang ma-distract sa mga salt deposits at red crystalizing pools. Ang mga malalapit na pine barrens ay magbibigay ng madaling spot para sa mga snipers na nagaabang.
Barakett Park

Bagamat isa talagang warzone ang Verdansk, nagpapakita pa din ng isang kaakit-akit na suburban lifestyle ang ‘84 map base sa kaniyang central park ng Barakett Promenade.
Ang Barakett Park ay nagbigay ng mas mabuting flow sa paggalaw at combat ng mga players sa Southwest Verdansk kahit pa wala itong library at market.
Ito ay dapat mong puntahan kasama ang iyong squad para makahinga dahil sa kanyang mga puno, bridged pond at brick na daanan.
Standoff

Nagdala ang Farmland ng isang Black Ops fan-favorite sa anyo ng Standoff multiplayer map.
Bagamat ito ay hindi man isang bagong point of interest, nagdagdag ang Standoff ng personalidad sa countryside na lokasyon sa kanyang mga warehouses, water towers at gas station. Ang pinakamagandang parte nito ay ang Town Hall na punong-puno ng binatana na magbibigay sa’yo ng maayos na sightlines sa mallit na bayan na ito.
Gora Summit and Viaduct
Mula sa isang concrete dam patungo sa pagsama ng iconic na Summit map, ang Gora locale ay kabigha-bighani sa kanyang reimagination.
Ang Gora Summit ay isang malawak na lugar na mayroong central island base at tatlong cable car stations. Naghahanap ka ba ng lugar para sa laban o para makatakas? Mayroong dalawang working car cables ang Gora na magdadala sa’yo ng dating alaala ng orihinal na Black Ops veterans.
Kung hindi ka mahilig sa mga umaalog na cable cars, maari kang tumapak sa Gora Viaduct para tumawid sa river valley nang mabilisan. Maliban sa pagiging lugar na pwede ka mag-epic stunts, pwede kang tumambay sa Viaduct para sa isang solid na vantage point ng Verdansk.