Bumisita ang Call of Duty: Warzone content creator na si Hector “Repullze” Torres sa FaZe Nuke Squad gaming house upang kapanayamin sila tungkol sa kanilang in-game names (IGN).

Mahilig makinig sa mga sportscasters ang Warzone sniper star na si Booya

CallOfDuty Warzone Booya StuartScott
Credit: Booya and ESPN

Bagamat isang sikat na operator sa Warzone si Ean “GDBooya” Chase, ang IGN ng FaZe streamer ay may kaugnayan sa traditional sports broadcasting.

Si Booya at ang kanyang ama ay mahilig manood ng SportsCenter program sa ESPN, kung saan pinasikat ng legendary anchor na si Stuart Scott ang kanyang iconic catchphrase, “boo-yah”.

Kinalaunan ay madalas na ring ginagamit ng kanyang ama ang catchphrase, kung kaya ginamit itong IGN ng COD player.

Para naman sa “GD”, hindi rin alam ni Booya kung anong ibig sabihin nito. Ang alam lang nya ay ito ang clan tag ng kanyang baseball team.

Fan ng dougie si Swagg

CallOfDuty Warzone Swagg CaliSwagDistrict
Credit: Swagg and Cali Swag District

Ibinahagin ng World Series of Warzone Captain’s Cup champion na si Kris “Swagg” Lamberson kung saan nanggaling ang maangas nyang IGN.

Ang unang IGN ng FaZe streamer ay “XxCaliSwagg1xX”, na hango sa music group na Cali Swag District na kumanta ng “Teach Me How To Dougie”.

Kinalaunan ay pinaikli at sinimplehan nya ito kung kaya naging “Swagg”.

https://youtu.be/aZglqkCRNt8

“Disgusting” ang origin story ni Repullze

CallOfDuty Warzone Repullze
Credit: Repullze

Habang walang kinalaman sa Call of Duty ang pinagmulan ng unang dalawang kwento, kabaligtaran naman ito ng kay Hector na sobrang may kinalaman sa kanyang gunplay.

Noong bahagi pa sya ng isang sniping clan, madalas na tinatawag na “gross” o “disgusting” si Hector ng mga kapwa nya players bilang pagpuri sa kanyang nakakabilib na galing sa Call of Duty.

Habang nag-iisip ng magandang IGN, naisipan ng COD player na i-Google ang mga kasingkahulugan ng mga tinatawag sa kanya, kung kaya’t nahanap nya ang salitang “repulsive”.

Hinaluan nya ng sariling style, pinaikli nya ang salita at dinagdagan ng Z para maging “Repulze”, pero hindi na nya makuha ang IGN na “Repulze” sa PlayStation Network, kun kaya’t nagdagdag sya ng isa pang L kaya “Repullze” ang kinahantungan ng kanyang IGN.

Kung gusto mong malaman ang mga IGN origin ng iba pang Nuke Squad members, panoorin ang video ni Repulzze.