Inilabas ng streamer na si Nicholas “NICKMERCS” Kolcheff ang kaniyang pinakabagong Cold War AK47 Warzone class na pwede pambato sa in-meta Call of Duty assault rifles tulad ng CR-56 AMAX.
Mga detalye ng AK47 Warzone class ni NICKMERCS sa Call of Duty
Matapos gawing mas tolerable ng Raven Software ng Call of Duty ang recoil pattern Cold War AK47, naging mas solid na option ang baril na ito para sa mga top Warzone players.
Sinabi ng Warzone streamer na mayroon itong matinding damage kada shot at isang killer headshot time-to-kill (TTK) ratio.
Ginamit ni NICKMERCS ang AK47 na ito bilang isang secondary weapon gamit ang Overkill perk, na hinahayaan ang mga players na magbitbit ng dalawang primary guns kasama ang kaniyang mapagkakatiwalaang PKM machine gun.

Ito ang mga detalye ng AK47 Warzone class:
- Muzzle: GRU Suppressor
- Barrel: 20″ Spetsnaz RPK Barrel
- Optic: Microflex LED
- Stock: RGB Skeletal Stock
- Ammunition: 45 Rnd
Para makita ang baril in action, panoorin ang opisyal na video ni NICKMERCS dito: