Ang RAM-9 ang pinakabagong addition sa submachine gun arsenal, kasabay ang paglabas ng Call of Duty Modern Warfare 3 Season 2.

Ngunit alin nga ba ang best RAM-9 loadout sa Modern Warfare 3? 

COD All Ghillied Up Funko Pop
Credit: Funko
VIEW PRICE: All Ghillied Up Funko Pop! Figure

Kung nais mong manalo gamit ang baril na ‘to, ibinahagi ng Call of Duty content creator na si Frizzeyes ang kaniyang RAM-9 loadout para makamit ang mga MGB nukes. 

Durugin ang kalaban gamit ang RAM-9 loadout na ‘to sa Modern Warfare 3 Season 2 

COD MW3 RAM-9 loadout Frizzeyes
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Nagbigay tuon si Frizzeyes sa pag-paamo sa mabigat na recoil ng RAM-9, para magkaroon ng matalas na aim sa close hanggang mid range combat. 

Binabawasan din ng kaniyang loadout ang impact sa mobility, para mas makatakbo ka sa mapa. 

Ito ang kaniyang class setup para sa peak performance gamit ang kaniyang RAM-9 build. 

COD Amazon 5000 points
Credit: ONE Esports
MAKE SOMEONE'S DAY: Call of Duty 5,000 Points – Xbox
  • Vest: CCT Comms Vest 
  • Gear: Mag Holster 
  • Gear: EOD Padding 
  • Boots: Lightweight Boots 
  • Gloves: Scavenger Gloves 
  • Field Upgrade: Munitions Box 

Pagdating sa attachments, ginawa niyang 50 Round Mag ang ammunition capacity. Sinisigurado nito na hindi ka mauubusan ng bala sa mga bakbakan, dahil sa malupet na fire rate ng RAM-9. 

Nilagyan naman niya ng XTEN Phantom-5 Handstop underbarrel para mapabilis ang sprint to fire speed at aim down sight speed, habang tinutulungan ang vertical recoil control at gun kick control. 

Pinili naman niya ang Purifier Muzzle Brake S para mabawasan ang horizontal recoil, at mapalakas ang firing aim stability. 

Kung gusto mo maging palihim, rekomenda namin na gumamit ng Shadowstrike Suppressor S, dahil hindi ka makikita sa radar kapag babaril ka. 

COD Captain John Price Funko Pop
Credit: Funko
VIEW PRICE: Captain John Price Funko Pop! Figure

Para sa stock, pinili ni Frizzeyes ang HVS 3.4 Pad. Mababawasan nito ang gun kick at aiming idle sway, habang pinapalakas ang firing aim stability at recoil control, para magkaroon ng mas magandang aim. 

Tinapos niya ang kaniyang setup gamit ang Retort 90 Grip Tape, na nagpapaganda sa firing aim stability, gun kick control, at recoil control. 



Best RAM-9 loadout ni Frizzeyes sa Modern Warfare 3 Season 2 

SLOT ATTACHMENT 
Magazine 50 Round Mag 
Underbarrel XTEN Phantom-5 Handstop 
Muzzle Purifier Muzzle Brake S 
Stock HVS 3.4 Pad 
Rear Grip Retort 90 Grip Tape 


I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa COD. 

Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!    

BASAHIN: Pagsuri sa BP50: Ang bagong assault rifle ng Modern Warfare 3