Nalalapit na ang launch ng Call of Duty Warzone Mobile, na maghahatid ng hit battle royale game ng Activision sa inyong mga smartphone para sa unang pagkakataon.

Paano makuha ang Killshot Skin sa Modern Warfare 3 at Warzone

Upang tiyakin na handa kang sumabak sa labanan at makatanggap ng exclusive rewards sa global release nito, narito ang komprehensibong gabay kung paano mag-pre-register para sa Warzone Mobile.

Mga hakbang kung paano mag-pre-register para sa Warzone Mobile sa mga Android at iOS devices

Pre-register for Warzone Mobile on the iOS App Store
Screenshot by Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Ang inaabangang game ay nakatakda para sa worldwide launch. Upang mag-pre-register, sundin ang mga tagubilin na ibinigay sa ibaba.

Para sa mga Android user:

Paano makuha at gamitin ang Ray Gun sa Warzone 

Para sa mga iOS user:

  • Pumunta sa Call of Duty: Warzone Mobile app page sa App Store gamit ang App Store app, o sa web habang naka-log in sa iyong App Store account.
  • Piliin ang “Get”.
  • Sundan ang mga Apple Pay prompts upang kumpirmahin ang iyong Apple ID.
  • Panatilihin ang pre-order hanggang sa petsa ng worldwide launch ng laro.

Bukod dito, maaari kang pumunta sa Call of Duty: Warzone Mobile website upang mag-pre-register o mag-pre-order ng laro sa pamamagitan ng pagscan ng QR code gamit ang iyong smartphone.

Mag-pre-register para sa Warzone Mobile upang makakuha ng mga exclusive rewards

Call of Duty Warzone Mobile pre-registration rewards
Credit: Activision

Ang mga players na mag-pre-register o mag-pre-order para sa Warzone Mobile ay makakakuha ng mga sumusunod na premyo sa paglabas nito:

  • Ghost “Condemned” operator skin
  • M4 “Archfiend” weapon blueprint
  • X12 “Prince of Hell” weapon blueprint
  • “Foe’s Flame” vinyl
  • “Dark Familiar” emblem

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Paano makakuha ng Skulls at Bones nang mabilisan sa Modern Warfare 3 at Warzone