Nakapasok na ang BAL 27 sa Modern Warfare 3 at Warzone Season 3 Reloaded. Nagmula sa Advanced Warfare, isang malakas na baril ito. 

Karamihan sa mga bagong weapons na ipinakilala sa Modern Warfare 3 at Warzone ay kadalasang nalalagpasan ang mga expectations ng players pagdating sa performance. Sumunod ang BAL 27 dito. 

May pagkakataon maging isa sa pinakamalakas na weapons ang asault rifle na ‘to sa laro, kaya nandito kami para gabayan ka kung paano ma-unlock ang full potential nito. 

Paano ma-unlock ang BAL 27 sa MW3 & Warzone Season 3 

CoD MW3 Warzone BAL 27
Credit: Activision


Parte ang BAL 27 sa Season 3 Reloaded update na gaganapin sa unang linggo ng Mayo 2024. 

Kailangan kumpletuhin ng mga players ang isang serye ng challenges sa bagong Sector sa Season 3 Battle Pass bago nila ma-access ang weapon na ‘to. 

Ang BAL 27 ay isang bullpup firearm na dinisenyo para mapabilisa ng firing speed sa tuwing nakahawak ang trigger. Nagsisimula ito na may mabagal na rate sa unang apat na shots ngunit nananatili ang accuracy nito. 

Mayroon din ang AR na ‘to ng isang top-loading system para sa mabilisang ammo changes, na optimized para sa mabilisang combat encounters lalo na sa close range. Bagaman nagpapakita ito ng katamtamang recoil na may pataas na drift, naghahatid ito ng mahusay na default sights. 

Mayroon itong 60-round magazine na mas mabigat ang ammo capacity bago kailanganing mag-reload. 

Mahalaga ang epekto ng bagong weapon na ‘to sa AR lineup ng MW3 at Warzone. Nakaka-intriga makita kung paano ito makikipag-bakbakan laban sa ibang mga assault rifles. 

Sa paparating na Season 3 update at midseason patch na maghahatid ng maraming weapon adjustments, may posibilidad na mangibabaw ang BAL 27. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa CoD. 

BASAHIN: Ilang Call of Duty games ang meron sa franchise?