Inilabas ng streamer na si Zack “ZLaner” Lane ang kanyang Krig 6 class at mukhang ito na yata ang susunod na pinakamagandang assault rifle sa Season 4 ng Call of Duty: Warzone.
Ang FARA 83 ang top AR mula pa noong unang World Series of Warzone tournament, kaya naniniwala ang ang streamer na maaari itong makatanggap ng ilang mga nerfs sa mga darating na patches.
Bilang paghahanda sa potensyal na pag-nerf ng FARA 83, sinubukan ni ZLaner ang Krig 6, at naniniwala syang may palag ito sa long-range AR meta.
Mga detalye ng Krig 6 class ni ZLaner sa Call of Duty: Warzone
Bilang isang bihasa sa paggamit ng AR, inilagay ni Z ang mga nakasanayang long-range attachments sa Krig 6 class.
Ang triple threat ng Agency Suppressor, ang 18.7” Ranger Barrel, at ang Field Agent Grip ay nagpapahina ng horizontal at vertical recoil ng baril kapag ginagamit ng pangmalayuan.
Sa kabila ng napakagandang range ng rifle, ang kahinaan nito ay ang kakulangan sa mobility. Upang makagalaw ng maayos, sinasamahan ni ZLaner ang Krig 6 class ng mas mobile na MP5 SMG.
Ginamit ng streamer ang Krig 6 class sa isang duos match, kung saan nakakuha sya ng 29 kills at nakapagbigay ng 9,976 damage.

Narito ang mga detalye ng Krig 6 clas sa Call of Duty: Warzone:
- Muzzle: Agency Suppressor
- Barrel: 19.7″ Ranger
- Optic: Axial Arms 3x
- Underbarrel: Field Agent Grip
- Ammunition: STANAG 60 Rnd
Panoorin kung paano itumba ni Zlaner ang mga kalaban gamit ang kanyang Krig 6 sa videong ito: