Sa likod ng lahat ng glitz at glamor, mayroong grind – at hindi madali ang Pro/cess nito.

Nagsanib pwersa ang Omne ng FWD at ONE Esports para maghatid ng bagong mini-documentary serye, ang Pro/cess, na nakapokus sa mga top talents ng esports. Ang ekslusibo at limitadong serye na ito ay pinagbibidahan nina Metasit “Moowan” Leelapipatkul, Huỳnh “Lu” Hải Hoàng Luân, Calvin “VYN”, at Nadya “Unaa” Kheitna Putri, mga eksperto sa kanilang mga larangan – at makikita natin ang kanilang daily routine, pati na rin ang mga pagsubok na hinarap nila para makarating kung nasaan sila ngayon.

Para sa mga pamilyar sa rebellious phase ni Moowan noong bata pa siya ay hindi aasahang magiging isa siya sa mga top esports players sa kaniyang larangan bilang long-term captain ng isa sa mga premier RoV teams ng Thailand. Nakasungkit siya ng domestic titles limang beses na, at isang international championship – at marami pa ang naghihintay para sa 23-year-old na ito.

Para naman kay Hoang Luan, nagsimula siya sa sports patungong esport – una bilang isang football commentator, at dahil sa isang pagtatalo sa kaniyang boss, nadirekta siya sa League of Legends para maging isa sa mga unang casters ng Vietnam. Kilala bilang isa sa mga “ancient trees” ng Vietnamese esports, masasabing isa siya sa mga pundasyon ng casting sa kaniyang bansa.

Si VYN naman ay nagsimula sa pagsali sa maliit na Mobile Legends tournament, at ngayon ay naging captain na ng isa sa mga legendary esports team ng Indonesia – ang Rex Regum Qeon. Isa itong istorya tungkol sa pagangat mula sa ibaba – kilala si VYN bilang “King of Kings” sa MLBB.

Sa kabila ng tradisyonal na pamumuhay ng pamilya ni Unaa, nakahanap ang 19-year-old ng kaniyang galing sa labas ng tradisyon. Bilang content creator at brand ambassador para sa Evos, patuloy niya itong binabalanse sa kaniyang mga responsibilidad at edukasyon. Patuloy na marami pang oportunidad na naghihintay para sa kaniya.

Gaming Process Omne FWD ONE Esports
Credit: ONE Esports

Sa bawat serye, makikita ng mga viewers ang mga kaisipan ng mga talents, at kung paano nila sila naging mahusay.

Tignan ang esports training camp o mga home ground ng mga talents, at panoorin ang mga pagsubok na nilagpasan nila.

May tatlong maikling episodes ang bawat serye na umaabot ng tatlo hanggang limang minuto – at magiging available sa Omne by FWD sa loob ng anim na buwan.



Tungkol sa Omne by FWD 

Ang Omne by FWD ay isang lifestyle app na naghahatid ng mga goal-based journeys para makamit mo ang mga goals mo. Maari kang mag-relax, makatulog nang mahimbing, mag-energise, at ma-inspire sa pamamagitan ng mga science-based na aktibidad at content katulad ng music, mini-games, esports content, at iba pa.

Nag-partner up ang Omne by FWD at ONE Esports sa paghatid ng kakaiba at ekslusibong serye, Pro/cess para mabigyan kayo ng inspirasyon sa loob ng larangan ng gaming at esports.

Sisiyatin ng bawat Omne serye ang journey ng mga personalities sa pagtahak ng kanilang mga pagsubok para maging the best sa kanilang field. Makikita sa limited series na ito ang kanilang pag-disiplina sa kanilang mga sarili para maging matagumpay.

I-download ang Omne ngayon para mapanood ang serye. Available ang Omne sa Google Play Store at Apple App Store.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa gaming at esports.

BASAHIN: Team Spirit kampeon sa DreamLeague S21, winalis ang Shopify Rebellion sa grand final