Babaguhin na ng LGD Gaming ang kanilang Dota 2 roster para sa paparating na season, at parte nito ay ang surprise addition ng isa sa pinaka-loyal na midlaners ng China.

Sina Zhou “Emo” Yi at Xiong “Pyw” Jiahan, na parehas na naglaro para sa Invictus Gaming, ay parte na ngayon ng roster ng LGD Gaming, inanunsyo ng Chinese org. Ito ay matapos sumali sa Invictus Gaming si Cheng “NothingToSay” Jin Xiang.



LGD Gaming Dota 2 roster para sa 2024 

Dota 2 LGD Gaming Xiao
Credit: Valve
  • Guo “shiro” Xuanang 
  • Zhou “Emo” Yi 
  • Li “niu” Kongbo 
  • Xiong “Pyw” Jiahan 
  • Zhang “y`” Yiping 
  • Zhang “xiao8” Ning (coach) 

Si Emo, na naging parte ng Invictus Gaming simula 2018, ay naging star player ng team sa loob ng kaniyang limang taon doon.

Naging sikat siya dahil sa kaniyang agresibong playstyle, tulad ng kaniyang reverse sweep sa ONE Esports Singapore Major kung saan nag-all chat siya ng question mark laban sa Evil Geniuses.

Kilala naman si Pyw dahil sa kaniyang partnership ni Ding “Dy” Cong sa kanilang oras sa Vici Gaming mula 2019 hanggang 2021, kung saan naging backbone ang support duo sa isa sa pinakamalakas na rosters ng China noong panahon na ‘yon.

Sa pagsali nina Emo at Pyw, malilipat si Lin “planet” Hao sa inactive roster, ayon sa opisyal na anunsyo ng LGD.

Mag-dedebut ang bagong roster ng LGD sa ESL One Kuala Lumpur, kung saan nakatanggap sila ng direktang imbitasyon sa tournament.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Dota 2. 

BASAHIN: Shopify Rebellion nag-rebuild, magsasalang ng preskong Dota 2 roster