Walang Dota Pro Circuit, walang problema – puno naman ng ESL Pro Tour ang schedule mo dahil sa kanilang mga premier tournaments.

Bago ang ESL One Kuala Lumpur ngayong Disyembre, nag-anunsyo na ang organizer ng anim pang tournaments sa susunod na taon, at mayroon itong halong online at offline tournaments, ayon sa opisyal na press release.

Ipagpapatuloy ng ESL Pro Tour ang kanilang streak ng DreamLeagues, kung saan tatlo pang edisyon ng online tournament ang magaganap sa 2024. Dalawa pang LAN events ang gaganapin din sa Europe at Asia sa susunod na taon.

Bawat tournament maliban sa Showdown – na mayroong “highest-placed teams on the EPT leaderboards as well as other top-tier teams around the globe” — ay magkakaroon ng US$1 million prize pool.

Tapat na tutuparin ng ESL ang kanilang pangako na maghatid ng daan para sa mga aspiring at sem-pros, dahil magkakaroon ng mga open at closed qualifiers para magbigay pagkakataon sa lahat na mapakita ang kanilang husay.



ESL Pro Tour 2024 

Dota 2 ESL Pro Tour
Credit: ESL One

Nagumpisa na ang EPT 2024 sa DreamLeague S21 noong Septyembre, at pati na rin ang paparating na LAN sa Kuala Lumpur. Kinumpirma rin ng tournament organizer ang apat pang kompetisyon na gaganapin sa 2024:

DreamLeague S22: Pebrero 25 to Marso 10 

ESL One Europe 2024: Abril 22 to 28 

DreamLeague S23: Mayo 20 to 26 

Showdown competition: Hulyo 2024 

Magkakaroon ng sariling leaderboard ang ESL, kung saan makakaipon ng EPT points ang mga teams base sa kanilang placement sa mga tournaments. Ang teams na may pinakamataas na puntos ang makakatanggap ng direktang imbitasyon sa Showdown – katulad ng inalis na DPC system.

Mukhang magiging tulad ng Riyadh Masters ang Showdown – na nag-host ng kanilang pangalawang edisyon ngayong taon, at nagkaroon ng US$15 million prize pool.

Magpapatuloy ang EPT sa 2025, kung saan magsisimula ang kaniyang pangatlong season sa pagdating ng dalawang kumpirmadong tournaments:

ESL Pro Tour 2025

Dota 2 ESL Pro Tour
Credit: ESL

DreamLeague S24: October 27 to November 10

ESL One Asia 2024: December 9 to 15

Maari mong mapanood nang live ang lahat ng mga EPT kompetisyon sa ESL Dota 2 Twitch at YouTube channels.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Dota 2. 

BASAHIN: LGD Gaming dinagdag ang isa sa best midlaners ng China parte ng kanilang Dota 2 roster revamp