Tampok sa Week 2 ng League of Legends Champions Korea (LCK) ang pag-arangkada ng Liiv SANDOX laban sa mga pinakamalalakas na kupunan sa torneyo.

Liiv SANDBOX vs Hanwha Life Esports

Sinimulan ng Liiv SANDBOX ang lingo sa isang kapana-panabik na bakbakan kontra Hanwha Life Esports.

Kahit pa isinalta kontra sa superstars na sina Jeong “Chovy” Ji-hoon at Kim “Deft” Hyuk-kyu, ang AD carry na si Lee “Prince” Chae-hwan at jungler na si Kim “Croco” Dong-beom ang naging sentro ng serye na ito.

Late-game assassin ang Vayne ni Prince

Credit: LCK Flickr

Hindi mapigilan ang Vayne na hawak ni Prince sa isang engkwentro sa mid lane. Matapos ibalibag ang Gwen ni Lee “DuDu” Dong-ju’s gamit ang Condemn (E), sinayawan ng AD carry ang mga kalaban gamit ang Final Hour na tumunaw sa kanilang mga health bars.

Hindi nagawang pigilan ng nag-iiisang natira na HLE player ang martsa ng SANDBOX sa mid lane kung saan binasag nila lahat ng structures para sa game 1 panalo.

Niligpit ni Coco ang HLE squad

Mas matipuno ang pagpapakita ni Croco sa game 2 gamit ang kaniyang jungle Diana.

Matapos subukang pitasin ang Sett ni Yoo “FATE” Su-hyeok ng HLE players, matalinong reengage gamit ang Moonfall (R) ang ipinanghatak ni Croco sa apat na miyembro ng kalaban.

Sinundan ng LSB squad ito ng malinis na ace patungo sa tuluyang pagbasag ng Nexus ng kalaban.  


Liiv SANDBOX vs T1

Susi si FATE at Summit sa comeback

Hindi naging madulas ang unang sultada ng Liiv SANDBOX kontra sa superteam na T1. Gayunapman ay nabaliktad nila ang daloy ng laro sa isang clash na naganap malapit sa Baron.

Kasabay ng pag-set up ng T1 para sa isa uling Baron, pinalamon ng Sett ni FATE ng Showstopper (R) ang Jayce ni Kim “Canna” Chang-dong para buksan ang huling engkwentro ng laro.

Mabilis na rumesponde ang Gnar sa kamay ni Park “Summit” Woo-tae na kinontrol ang dalawang miyembro ng T1 gamit ang Gnar! (R). Dahil sa magandang pwestuhan ng Ezreal ni Prince sa backline, nakakuha ng ace ang LSB patungo sa panalo sa game 1.

Nag-flex si Effort ng kaniyang support skills laban sa dati niyang LCK squad

Credit: LCK Flickr

Mas malinis naman ang performance na inihain ng SANDBOX sa game 2. Perpektong support plays gamit ang Thresh ang isinalang ni Lee “Effort” Sang-ho kung saan pinatunayan niya ang kaniyang lakas sa harap ng mala-alamat na si Lee “Faker” Sang-hyeok.

Habang binabasag ng LSB ang top inhibitor turret ng T1, nahuli ng Azir ni Faker ang Jinx ni Prince sa isang Emperor Divide. Subalit dahil sa matalinong latern placing ni Effort ay nakatakas si Prince gamit ang Dark Passage. Ibinalik nila ang sakit sa T1 para sa ace para makumpleto ang sweep.

Sa ngayon, hawak ng Liiv SANDBOX ang 2-2 record para sa fifth place. Makakaharap nila ang Gen.G sa June 24, 4 P.M. GMT+8.

Maaari ninyong sundan ang aksyon sa official LCK Twitch at Youtube Channels.