Astig ang pinaka-bagong skin ng isa sa mga eksplosibong fighters sa Mobile Legends: Bang Bang.

Presko ang bagong Paquito skin na Underground Boxer Paquito skin na maaari ng makuha ngayon sa in-game shop, Kasabay ng paglabas nito, maraming fans ang hindi maitago ang kanilang tuwa sa mabangis na hitsura ng hero.


Kamukha ni Joe ng Megalobox ang bagong Paquito skin

Credit: Moonton

Matapos ilabas ang bagong Paquito skin na unang ibinida sa Youtube page ng Mobile Legends: Bang Bang, maraming fans ang hindi nagpatumpik-tumpik pa at kinuha ito sa in-game store.

Madaling intindihin kung bakit ganito ang pagtanggap ng mga Paquito mains, dahil talaga namang exciting ang bagong balat ng fighter. 

Tampok sa bagong Paquito skin ang hero na nakabalot ng isang uri ng exoskeleton sa kaniyang mga braso hanggang sa kaniyang likuran. Suot din niya sa nasabing skin ang dilaw na sweatpants at metal belt.

At para naman sa kaniyang boxing gloves, metal padding ang ipinalit dito na nagdagdag kilabot sa tipikal na lane-dominant hero.

Mas swak ito sa panlasa ng mga fans ni Joe ng Megalobox kung saan mistulang hinango ang bagong balat.


Mga skill effects ng Underground Boxer Paquito

Bawat suntok ng Paquito gamit ang kaniyang skills, mistulang may enerhiyang lumalabas mula sa kaniyang mga gloves. Bukod dito, may orange shield ding lumalabas matapos niyang magcast ng skill.

Nag-iiwan din ang Paquito gamit ang skin na ito ng orange glitch trail sa bawat dash. Hindi man masyadong kakaiba kapag binabasa, ay sigurado namang mapapanganga ang mga users nito in-game lalo na sa mga skill combos.

Maaari ng mabili ang Underground Boxer Paquito sa in-game shop.

Pagsasalin ito sa sulat ni Jules Elona ng ONE Esports.