Kung pag-uusapan ang mga hero na kayang puminit ng mabilis, hindi maikakailang Eudora ang pangunahin sa listahang ito.
Kahit walang nagbago sa kaniya sa patch 1.5.88, popular ang hero na ito ngayon sa rank games kung saan pampito ito listahan ng pinakamadalas na pini-pick sa RG. Nagtala ang Eudora ng 2.46% pick rate ayon sa pinakahuling official MLBB stats.
Bakit ba ganito nalang kapopular ang Lightning Weaver sa patch na ito? Baka maliwanagan kayo sa tatlong rason na ito:
Madali laruin ang Eudora

Maaalalang isa ng Eudora sa limang pinakaunang heroes na nalaro mo noong nagsisimula ka palang sa Mobile Legends: Bang Bang. May rason kung bakit ganito. Isa kasi siya sa pinakamadaling matutunan at gamitin na heroes.
Napaka-basic ng paggamit ng mga skills ng hero na ito kaya naman madali ring pumitas lalo na kung maganda ang tiyempo. Tiyempo at items lang talaga ang magdidikta kung mangangaray o hindi ang kahit sinong makakasalubong ng Eudora.
Sa ranked games, madaling iparis sa team composition ang hero dahil sa kaniyang makating burst damage at control ability na Ball Lightning. Game changer ito lalo na kung kabilang damage dealer ang mahuhuli ng combo ng Eudora.
Panglason ito sa popular na strats ngayon

Dahil patok parin ang the ‘Nice one, baby’ strat, tipikal na isinasalang ang mga late game side laners tulad ng Benedetta at Alice para ma-counter ito.
Madaming counter strategies na ang napormula para dito, pero napakagandang pag-aralan ng Eudora bilang counter pick sa mga ganitong uri ng composition.
Nabanggit nang maraming beses ang napaka-kating early game damage ng hero na ito, kaya naman isa siyang magandang panglason sa balagbagan na dala ng ‘Nice one, baby’. Binibigyan din ng espasyo ng Eudora ang mga side laners para makapaghanda sa mid game patungo sa dominanteng late game.
Hindi lang pang-early ang Eudora. Kapag naka-full build na ang hero na ito, punit parin ang kahit sinong magtangka na lumapit sa kaniya sa late game.
Malaki ang impact ng bagong item na Radiant Armor

Hindi maikakaila na gamechanger ang bagong item na Radiant Armor sa patch 1.5.88. Nasaksihan natin noong nakaraang patch na sobrang lakas ng impact ng mga mages na tuloy-tuloy ang magic damage, at Radiant Armor ang sagot na ibinigay ni Moonton para dito.
Ang unique passive ng item na ito na Holy Blessing ay nagbibigay sa heroes na may radiant armor ng magic damage reduction na nag-iistack ng walong beses.
Sa madaling salita, ang mga skill tulad ng Real World Manipulation ng Yve at Meteor Shower ng Chang’e ay napahina dahil sa awtomatikong pickup ng item na ito kapag kaharap sila.
Kaya naman bentahe ng Eudora na isa siyang burst mage. Sa mga team fights, ang skill combo na Fork Lightning at Thuner Wrath lang ang kailangan para pumitas ng kalaban, kung saan hindi malaki ang epekto ng Radiant Armor.
BASAHIN: War Axe kay X.Borg? Alamin kung bakit sobrang OP ng hero-item combi na ito