Opisyal ng bubuksan ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 8 playoffs ngayong Oktubre, at malalaman na ng mga fans kung sino ba talaga ang pinakamatikas na team sa Indonesia.

Matapos ang walong linggong bakbakan sa regular season, anim na kupunan na lamang ang natitira para iuwi ang tropeyo ng isa sa mga pinakamalaking Mobile Legends tournament sa mundo.

Bukod dito, ang hihiranging kampyon ay siya ring kakatawan sa Indonesia sa paparating na M3 World Championship.

Heto ang anim na kupunang magdidikdikan sa MPL ID season 8 playoffs.


Mga teams na lalahok sa MPL ID season 8 playoffs

Credit: Muhammed Thalhah/ONE Esports ID
TEAMW-L RECORDAGG. POINTS
ONIC Esports11 – 3+ 13
RRQ Hoshi10 – 4+ 13
Alter Ego 10 – 4+ 7
EVOS Legends8 – 6+ 4
Aura Fire7 – 7– 2
Bigetron Alpha6 – 8– 3

Magagawa ba ng EVOS Legends na depensahan ang kanilang korona? Iyan ang dapat abangan.


Saan gaganapin ang MPL ID Season 8 playoffs?

Credit: MPL ID

Magsisimula ang play-ins sa October 21, habang ang grand finals na man ay gaganapin sa October 24.

Ang tatanghaling kampyon ng torneyo ay makatatanggap ng malaking bahagi ng US$300,000 prize pool. 

Ayon sa Facebook page ng MPL Indonesia, ang MPL ID Season 8 playoffs ay gaganapin offline sa Bali, Indonesia at mag-iimplementa ng striktong safety protocols para sa lahat ng lalahok.

Credit: MPL ID

Ito ay pagsalin sa sulat ni Jules Elona ng ONE Esports.