Napanood mo na ba ang bagong cinematic trailer ng Riot Games tampok ang bagong Valorant agent na si Neon? Ang catchy video na ito ay puno ng Filipino references na magbibigay sa fans ng ideya tungkol sa kanyang kakaibang personality at heritage.

Nakatakdang pumasok sa eksena si Neon kasabay ng pagdating ng Episode 4: Disruption. Ang kasunod na Act ay may kasama ring bagong Battle Pass.

5 Filipino references sa cinematic trailer ni Neon

1. Entertain Me by Ylona Garcia

Valorant Neon Trailer Ylona Garcia
Credit: Riot Games Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Napanood mo na ba ang bagong cinematic trailer ng Riot Games tampok ang bagong Valorant agent na si

Ang kantang pinatugtog ni Neon mula sa kanyang phone, na nagsilbi ring theme ng cinematic, ay kinanta ni Ylona Garcia, isang Australian singer at television personality na sumikat matapos maging housemate sa sikat na reality show na Pinoy Big Brother noong 2015.

Lumabas din si Ylona Garcia sa iba’t ibang Filipino shows mula sa ABS-CBN noong 2018. Kasalukuyan syang nakapirma sa American-Asian international record label na 88rising.

2. Si Neon ay isang Gilas basketball fan

Valorant Neon Trailer Basketbal Gilas
Credit: Riot Games Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Isang malaking basketball fan si Valorant Agent 19, tulad ng halos lahat nang Pinoy dahil ito ang pinakasikat na sport sa bansa.

Merong naka-frame na jersey sa kanyang kwarto na isang reference sa national basketball team ng Pinasd na Gilas Pilipinas. Ang number five jersey ay ginamit ng mga beteranong players na sina LA Tenorio at Gabe Norwood.

3. Walis tambo, aspin, at Bangka

Nagdala si Neon ng walis tambo sa Valorant agent compound. Ito ay isang walis na gawang-kamay na ginagamit panglinis at karanwang makikita sa mga tahanang Pinoy.

Sa picture frame naman sa tabi ng kanyang higaan ay makikita ang isang aspin na nakahiga sa beach sa harap ng isang Bangka. Ang aspin o “asong Pinoy” ay ang terminong ginagamit para sa mga mixed-breed na aso sa PIlipinas, habang ang Bangka naman ay ang Pinoy version ng canoe.

4. ‘Hay buhay’ Tagalog voice line

Binanggit ng voice actress ni Neon, na si Vanille Velasquez, na binigyan sya ng kalayaan na mag-improvise ng Tagalog para sa character. Sa cinematic, maririnig ang agent na magsabing “Hay, buhay,” habang pinapanood ang mga videos na ipinadala ni Sage.

Ito ay isang sikat na Filipino expression na nagpapahiwatig ng pagod, inis, o pagiging stressed. Sa bandang dulo ng trailer, paulit-ulit ding sinabi ni Neon ang linyang ‘Kontrolado ko ‘to!’ habang sya ay nasa ultimate state.

5. Karaoke is layp

Valorant Neon Trailer Karaoke
Credit: Riot Games Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Sa kabuuan ng cinematic, pinapakita ang paghahanda ni Neon ang kanyang mga abilities habang nakikinig at sumasabay sa kantang “Entertain Me” ni Ylona Garcia.

Ito ay patungkol sa pagiging popular ng karaoke sa Pilipinas, at kung paanong lumaki at nasanay ang mga Pinoy sa music. Bawat pagtitipon at kasiyahan ng pamilya at magkakaibigan, may okasyon man o wala, hindi mawawala ang karaoke.

Pinoy na Pinoy talaga ang dating!

Panoorin ang buong Sprak cinematic ng Riot Games para kay Neon dito:

Para sa iba pang balitang gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.