Anong kaya mong gawin sa loob ng limang minute? Ipinakita ng Thai AWC 2021 representatives dtac Talon kung paano mag-speedrun ng match sa Group Stage ng international tournament.
Dtac Talon vs Overclock pinakamabilis na game sa AWC

Nasaksihan sa Arena of Valor World Cup 2021 ang paglabas ng mga naglalakasang liga tulad ng Arena of Glory (AOG) ng Vietnam, Garena Challenger Series (GCS) ng Taiwan, at RoV Pro League (RPL) ng Thailand. Ang tatlong ito ang mga pinakamalalakas na rehiyon pagdating sa AoV, kung kaya ang best-of-two series sa pagitan ng dtac Talon ng RPL at Overclock e-Sports ng Brazil ay nagpakita ng malaking pagkakaiba ng mga playstyles nila.
Parehong naglabas ng bagong heroes ang dalawang teams sa Game 1. Gumamit ng Toro si dtac Talon Eikapong “Tony” Korhonen habang Veera naman ang napiling support hero ni Overclock Gabriel “ManoFrizer” Oliveira. Hindi man lang nagawang habulin ng mga fans ang kanilang hininga dahil tinapos ng ng dtac Talon ang Overclock sa loob lamang ng syam na minute.
Mas mabilis ang nangyari sa Game 2 at hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon na sumuko ang Brazilian team. Sa Arena of Valor, kailangang tumagal muna ng anim na minute ang laban bago lumabas ang surrender option. Winasak ng dtac Talon ang Overclock sa team score na 17-0 sa loob ng 4 minutes at 56 seconds, kung kaya’t ito ang tinanghal na pinakamabilis na game sa kasaysayan ng pro Arena of Valor.

Kinuha ng ng dtac Talon ang series sa isang solid na 2-0 laban sa Overclock.
Paano babangon ang Overclock mula sa pagkakatalong ‘to?

Meron pang tatlong series na natitira para sa Overclock sa Arena of Valor World Cup. May rematch sila laban sa dtac Talon sa Day 6 ng Group Stage. Paano tatalunin ng Brazilian representatives ang kanilang napakabilis kalaban sa pagkakataong ito?
Mapapanood ng mga fans ang aksyon sa live broadcast sa official YouTube channel ng Garena.