Inanunsyo ng Team Secret ang pagkakaroon nila ng kanilang bagong Valorant roster.

Kamakailan ay nag-post ng patikim ang Team Secret tungkol sa kanilang bagong Valorant team. Isang araw ang nakalipas at tuluyan nang inilantad ng Team Secret ang kanilang full roster para sa pagpasok nila sa Valorant esports scene.

Team Secret Valorant roster

  • Gilberto “Gibo” Sales, Jr. (Coach)
  • Jessie “JessieVash” Cuyco
  • Jayvee “DubsteP” Paguiringan
  • Jim “Borkum” Timbreza
  • Kevin “Dispenser” Te
  • Riley “Witz” Go

Matatandaan na kamakailan ay inanunsyo ng Bren Esports ang paghihiwalay ng kanilang landas sa kanilang Valorant team. Maraming naging bulung-bulungan tungkol sa kung saang team lilipat ang mga kasalukuyang hari ng SEA Valorant scene. At ngayon ay malinaw na ang lahat.

Ayon sa tweet ng Riot Games Project Manager na si Alex “Opal” Archambault, mananatili pa rin sa mga players ang kanilang VCT points basta merong tatlo sa limang players ang lilipat sa bagong organisasyon.

Ano na ang susunod para sa bagong Team Secret Valorant? Paano makakaapekto ang mga pagbabagong ito sa kasalukuyang eksena ng Valorant sa bansa at sa rehiyon?