Magre-relax lang sana sa ilang laro ng League of Legends habang off-duty ang pulis na si Zhang Yihao pero nauwi ang kanyang trip sa isang internet cafe sa pagkakadakip ng isang wanted na kriminal sa China.

Paano na-aresto ng off-duty na Pulis ang kriminal habang naglalaro ng LoL

Kriminal, timbog sa off-duty na pulis habang naglalaro ng LoL sa net cafe
Credit: 大象新闻

Noong ikawalo ng Agosto, bumisita sa isang kompyuteran ang pulis at mga kasamahan niya para sana maglaro nang i-announce sa speakerphone na nasa parehong lugar ang Rank 1 player ng Ionia server, ang pinakalumang LoL server sa China.

Na-curious si Zhang Yihao kaya’t sinilip niya kung misteryosong manlalaro. Nang makita niya ang nasabing Rank 1 player ng Ionia Server, namukaan niya ito bilang ang main suspect ng isa sa kaso nila.

Agad na nag-cross-check ng facial features ang kapulisan at nakumpirma na pareho ang nasabing top player sa hinahanap nilang suspek.

Matapos tumawag ng back-up, na-aresto nina Zhang Yihao ang kriminal on-the-spot, bagamat kinailangan nilang mag-AFK sa kanilang laro.