Hatid sa inyo kasama ang Samsung.
Kung gusto mong matutunan ang iba’t-ibang Julian combo sa Mobile Legends: Bang Bang, sagot ka ng komprehensibong ONE Esports guide na ito.
Armado ng natatanging skill set ang naturang fighter-mage kaya naman siya ang pinakamahirap na i-master sa apat na hero ng Forsaken Light.
Mayroon siyang tatlong skill–Scythe, Sword, at Chain–at dahil sa kanyang passive na Smith’s Legacy, bawat active skill niya ay mayroong enhanced version na pwede mong ma-activate pagkatapos gumamit ng dalawang skill.
Gamit ang kanyang kakaibang skill set, nakakapagbitaw siya ng magkakaibang combo na swak gamitin sa iba’t-ibang sitwasyon. Sa guide na ito, ituturo namin sa iyo ang mga Julian combo at kung kailan mo dapat gamitin ang mga ‘to.
Heto ang mga Julian combo na kailangan mong i-master sa MLBB

Bago tayo magtungo sa mga Julian combo, mainam na i-on muna ang Assisted Aiming Mode sa Controls Settings. Matutulungan ka kasi nito na madaling ma-target ang mga kalabang hero kapag gumagamit ng skills.
Ngunit iba ang usapan kapag ikaw ay nasa team fight na dahil mas maraming hero sa paligid. Mas mabuti sa pagkakataon na ito na gamitin ang Hero Lock Mode o kaya ang manwal na pag-aim para mapatama ang skills sa iyong target.
At para mas madaling tandaan ang pagkakasunod-sunod ng mga skill sa bawat combo, papangalanan natin ang mga ito ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa skill set ng Scarlet Raven.
Skill 1 at Enhanced Skill 1: Scythe at Enhanced Scythe
Skill 2 at Enhanced Skill 2: Sword at Enhanced Sword
Skill 3 at Enhanced Skill 3: Chain at Enhanced Chain
Julian combo 1: Skill 2 > Skill 3 > Enhanced Skill 1

Swak ang combo na ito kung gusto mong mabilis na pumitas ng kalaban.
Gamitin ang Skill 2 para makalapit sa iyong target. Itali siya sa kanyang puwesto gamit ang Skill 3 bago ibitaw ang Enhanced Skill 1 para magpakawala ng malaking damage at puksain ito.
Kung kukulangin ang damage ng combo, gumamit ng mga basic attack na pinalakas ng Smith’s Legacy passive.
Julian combo 2: Skill 3 > Skill 2 > Enhanced Skill 1

Ang combo na ‘to ay variation ng unang combo. Kung ang una ay agresibo, ito naman ay mas ligtas na pangpitas ng kalaban.
Mainam na gawin ang combo na ito kung naka-set up ka na at nakatago sa isang bush para mang-ambush ng malambot na hero.
Kapag nasa cast range na ang iyong target, gamitin ang Skill 3 para makadena ito sa kanyang posisyon. Sunod na i-cast ang Skill 2 paalis at saka bitawan ang Enhanced Skill 1 upang mapatay ito.
Julian combo 3: Skill 1 > Skill 3 > Enhanced Skill 2

Kung ikaw ay naiipit sa delikadong sitwasyon at napapaligiran ng maraming kalaban, magandang gamitin ang combo na ‘to pangtakas dahil nagiging untargetable at invisibile ka habang duma-dash gamit ang Enhanced Skill 2.
Mabilis na i-cast ang Skill 1 at Skill 2 para ma-slow at ma-immobilize ang mga kalaban. Agad na gamitin ang Enhanced Skill 2 papunta sa ligtas na posisyon o patungo sa iyong mga kakampi o tore.
Mabisa rin itong pang-clear ng minion waves at mabilis na pumunta sa susunod mong lokasyon.
Julian combo 4: Skill 2 > Skill 1 > Enhanced Skill 3

Solido ang combo na ‘to sa mga clash sapagkat malawak ang area-of-effect (AoE) ng Enhanced Skill 3 at mayroon itong crowd control na airborne.
Lapitan ang mga kalaban gamit ang Skill 2 at i-cast ang Skill 1 para makapang-slow at ma-activate ang Enhanced Skill 3.
Maaari mong subukan na patamain ang Enhanced Skill 3 sa mas maraming kalaban sa pamamagitan ng manwal na pag-cast nito.
BASAHIN: Magdomina sa jungle Barats gamit ang emblem set at 3 core items na ‘to sa Mobile Legends