Marami na ang curious tungkol sa Rise of the Ronin difficulty settings bilang papalapit na ang launch nito.

Naghahatid ng kakaibang difficulty levels ang Rise of the Ronin. Tulad ng mga ibang laro, nagdagdag ang mga developers ng isang setting para sa mga players na mayroong iba’t-ibang skill groups. 

Lahat ng Rise of the Ronin difficulty settings

Gaming Rise of the Ronin Difficulty Settings
Credit: Team Ninja

May opsyon ang mga players na pumili sa loob ng tatlong Rise of the Ronin difficulty settings, ang Dawn, Dusk, at Twilight. 

Hinahayaan nito ang mga players na maglaro ayon sa kanilang sariling bilis at kagustuhan. 

Rise of the Ronin Dawn difficulty

Para sa mga nagnanais ng isang isang leisurely experience, ang easy difficulty ng Rise of the Ronin difficulty settings ay naghahatid nito para sa kanila. 

Ang kwento ng laro ang pokus nito, para makapag-enjoy ang mga beginners sa laro nang hindi nalulula. 

Rise of Ronin the Dusk difficulty 

Ito naman ay para sa mga players na nagnanais ng adventure. 

Ang Dusk difficulty settings ay naghahatid ng sapat na paghahalo ng challenge at enjoyment, para makuha mo ang ultimate experience. 

Rise of the Ronin Twilight difficulty 

Nakalaan ito para sa mga beteranong players. Ang Twilight difficulty ay hindi para sa mga mahihina. Matindi nitong hinahamon ang iyong skills at gameplay. 

Para sa ultimate test ng laro, sinasadya ng Twilight na alisin ang healing opportunities mo, at pinapahirap ang difficultyh ng kalaban. 

Gaming Rise of the Ronin Difficulty Settings
Credit: Team Ninja
KUNIN ITO: Rise of the Ronin – PlayStation 5

Rise of the Ronin, na eksklusibo para sa PlayStation5, ay lalabas sa Marso 22, 2024

Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!   

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga storya tungkol sa paborito mong laro. 

BASAHIN: Unknown 9 Awakening: Release date, actress, platforms, gameplay