Sa pabago-bagong meta sa Mobile Legends: Bang Bang, nanatili si Bruno bilang isa sa pinaka-maaasahang marksman heroes sa laro.

Ito ay dahil sa kaniyang passive skill na Mecha Legs kung saan tumataas ang kaniyang kill potential dahil sa karagdagang critical chance.

Eksklusibo: OHEB itinuro ang Bruno counter sa MLBB

Gayunpaman, kinakailangan ni Bruno ng ilang core items para magampanan niya ang kaniyang role.

Sa article na ito, aalamin natin kung ano ba ang tatlong equipment na kinakailangan niya para mabuhat ang kaniyang team papunta sa tagumpay.

3 core items ni Bruno para sa pambihirang gameplay

Haas’ Claws

Mobile Legends: Bang Bang item Haas' Claws for Bruno
Credit: ONE Esports

Isa sa pinakamahalagang items para sa marksman ang Hass’ Claws. Nagbibigay kasi ang item ng sandamakmak na stats katulad na lamang ng Physical Attack, Attack Speed, gayundin ang Critical Chance na mas pinaiigting ang burst capability niya.

Ngunit hindi lamang ito ang dahilan kung bakit pambihira ang item na ito para sa kaniya. Ang passive kasi nito na Frenzy ay nagbibigay ng karagdagang Attack Speed bawat Critical strike.

IBA PANG MLBB GUIDES
Ano ang Smart Targeting sa Mobile Legends at paano ito gamitin
Piliin ang 3 best heroes pangontra kay Cici sa Mobile Legends
3 best heroes pangontra sa Angela sa Mobile Legends
Paano ma-access ang Offline Mode sa Mobile Legends
3 malalakas na early game heroes para mabilis na makarating sa Mythical Immortal

Bukod dito, natatanggap din niya ang bonus na Lifesteal na makakatulong sa kaniyang survivability.

Great Dragon Spear

Mobile Legends: Bang Bang item Great Dragon Spear for Bruno
Credit: ONE Esports

Ang Great Dragon spear ang ikalawang core item na dapat buuuin para sa “The Protector”.

Katulad ng Haas’ Claws, nagbibigay din ito ng Physical Attack at  Critical Chance. Ngunit bukod sa dalawang stats na ito, nagbibigay din ito ng cooldown reduction na kailangan ni Bruno para madiinan ang kalaban.

Sakto ang Great Dragon Spear para sa 3 heroes na ‘to sa Mobile Legends (bukod kay Zilong)

Hindi lamang stats ang habol ng marksman sa item na ito. May passive din ito na Greatest Warrior na nagbibigay ng Movement Speed kapag na-activate niya ang kaniyang ultimate.

Ibig sabihin, kapag sumipa na ang hero ng kaniyang Worldie ultimate, mas tataas ang kaniyang chase at escape ability dahil sa karagdagang mobility ng unique passive mula sa item.

Berserker’s Fury

Mobile Legends: Bang Bang item Berserker's Fury for Bruno
Credit: ONE Esports

Berserker’s Fury ang isa sa mga core items kapag maglalaro gamit ang Bruno. Pambihira kasi ang  epekto ng. Critical Chance boost ng item na ginagawang mas makamandag ang marksman.

May unique passive ito na Doom kung saaan ang may hawak ng item ay magkakaroon ng bonus Physical Attack na lumalaki sa bawat Critical Strike na naibabato.

ALAMIN KUNG PAANO LARUIN ANG MARKSMAN SA MLBB
MLBB Beatrix guide para sa mga baguhan
Kumpletong Guide sa Meta Gold Lane: Claude item build, emblem set, gameplay guide, atbp

Swak din ito sa epekto ng passive ng Haas’ Claws na Frenzy dahil sandamukal na Critical Strikes at napakasakit na Physical Damage ang mapapakawalan ng hero kapag nagpatong ang dalawang passives.

Napakalaki ng potensyal ng Bruno na dominahin ang laro kung mabubuuan ng kaniyang core items at may rason kung bakit ganito. Kaya naman, siguraduhin mong maisasama mo ito sa iyong item build sa susunod mong laro

Para sa mas marami pang MLBB guides tulad nito, pwede niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Paano i-customize ang iyong profile page sa Mobile Legends