Bagamat isa sa mga pinakabagong karakter sa Mobile Legends: Bang Bang, mabilis na naging paborito ang Arlott sa meta lalo na sa pro play sa MPL. 

Fighter mang naturingan, mala-assassin ang galawan sa hero dahil sa kaliwa’t-kanang dashes na kaya niyang gawin gamit ang kaniyang Vengeance skill. Bukod dito, pambihiran din ang impact na kayang ibigay ng karakter gamit ang crowd control skills niyang Dauntless Strike at Final Slash.

Gayunpaman, may ilang heroes sa MLBB na kayang tapatan ang kayang ibuga ng Arlott. Heto ang tatlo sa mga ito:


Top 3 counter picks sa Arlott sa MLBB

Phoveus

Credit: Moonton

Maituturing na magandang counter pick ang Phoveus kapag may Arlott sa EXP lane. Primera kasing pangontra ang fighter/mage sa mga hero na mahilig mag-dash, at bilang isa sa mga ito ang Arlott, maaaring abusuhin ng Phoveus user ang kaniyang ultimate na Demonic Force upang markahan at talunan Arlott para sa pambihirang magic damage.

Dahil dito, malalagay sa alanganin ang laning phase ng kalabang meta hero (kung saan siya ay dapat na dominante) dahil mapipilitan siyang iwasan ang paggamit ng kanyang dash skill malapit kay Phoveus.

Mainam na unang item ang Clock of Destiny para sa survivability at boost sa damage, lalo na sa early to mid game. Kung nakalamang ng kaunti ang Arlott sa laning phase, kumuha agad ng Warrior Boots para mabawasan ang damage output nito.


Thamuz

Credit: Moonton

Isa ang Thamuz sa pinakamalakas na EXP lane heroes sa laro dahil kaya niyang wasakin ang sinuman na magtatangka na sabayan siya sa early game. Bagamat may taglay din na early game power spike ang Arlott, hindi niya kayang dominahin ang Lord Lava sa laning phase. Disgrasya ang aabutin ng user ng fighter/assassin kung mag-aasim siya sa bakbakan sa unang bahagi ng laro.

Upang magtagumpay laban kay Arlott, dapat maselyo ng maaga ng Thamuz user ang unang wave ng mga minion at lumaban kapag sinusubukan ni Arlott na mag-farm o manggulo sa laning phase. Palaging nananalo si Thamuz sa ganitong sitwasyon, maliban na lamang kung ang kalaban na jungler o midlaner ay patuloy na bumibisita sa EXP lane.

Kung nakalamang kana sa tapatan, buuin agad ang offensive item na Corrosion Scythe para mas mapaigting pa ang damage ouput. Kung hindi, dapat kumuha ng Antique Cuirass para makontra ang skill-based damage ng kalaban.


Yu Zhong

Credit: Moonton

Matinding kalaban para kay Arlott ang Yu Zhong partikular na sa 1v1 situation. Kaya kasi domihanin ng Black Dragon ang laning phase kahit pa nakakatanggap ng damage sa kalaban dahil sa kaniyang pambihirang passive. At hindi lamang HP regen ang epekto nito dahil kasabay ng pagbalik ng kaniyang buhay, may DPS ding pinapakawalan ang YZ lalo na sa mahahabang engkwentro.

Mahirap din ma-pin down ang fighter dahil sa kaniyang Furious Drive at Black Dragon Form skills kung kaya’t gana ang tiktikan kontra sa Arlott kahit sa early game. Mas totoo ito kapag nakuha na ng Yu Zhong ang War Axe o di kaya naman ay ang Hunter Strike na maaaring sumabay sa mobility ng meta pick.

Anong heroes ang nasubukan mo na puwede pang itapat sa Arlott? Makasali sa diskusyon sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Martis guide: Best build, skills, emblems, at combos