Ang Athena’s Shield at Radiant Armor ay dalawang defensive items sa Mobile Legends: Bang Bang na tumutulong sa players na masagot ang magic damage ng kalaban.

Karga ng dalawang items na ito ang pinakamataas na magic resist stats sa laro kung kaya’t kailangan ito ng players kapag kaharap ang heroes na kayang magpakawala ng matinding magic damage. Bukod dito, nagbibigay din ng items ng extra health points at regeneration para mas mapataas ang survivability.

Mainam ding malaman na kahit pa parehong attributes ang kaya nitong idagdag sa hero, magkaiba ang dala nilang passive effects. Ibig sabihin lamang nito ay may angkop na sitwasyon kung kalian o ano ang dapat na kuhanin na item.

Sa pamamagitan ng kaaalamang ito, mas madali mong mapapataas ang tiyansa na mabuhay kontra sa mga tangka ng mage sa kalabang team.

IBA PANG MLBB GUIDES
Painitin si X.Borg gamit ang 3 best items na ‘to sa Mobile Legends
Paano itago ang match history sa Mobile Legends
Padapain si Alpha gamit ang 3 best hero counters na ‘to sa MLBB
4 roaming blessings sa Mobile Legends at best heroes para sa mga ito
Puksain si Hanzo sa MLBB gamit ang 3 pangontrang hero na ‘to

Stats at passive effects ng Athena’s Shield at Radiant Armor

Credit: Moonton

Nagbibigay ang Athena’s Shield ng 62 magic defense, 900 HP at 2 HP regen. Ang unique passive nitong Shield ay nagbibigay ng 25% magic damage reduction sa loob ng tatlong segundo. Nag-rereset ang effects nito ng limang segundo pagkatapos umalis sa labanan.

Samantala, 52 magic defense, 960 HP at 12 HP regen naman ang karga ng Radiant Armor. Ang unique passive ng itme ay ang Holy Blessing kung saan magkakaroon ng hero ng 5 hanggang 8 magic damage reduction sa loob ng tatlong segundo. Nag-iiscale ang effect na ito sa bawat hero level na may cap sa 6 stacks.

Kailan ka dapat bumil ng items na ito?

Credit: ONE Esports

Kung kaharap ang team na sumasandal sa magic burst damage, pambihira ang kayang gawin ng Athena’s Shield para sa hero mo para mapataas ang survivability. Partikular na epektibo ang item sa heroes na bumabangko sa single skill o burst combo katulad ng mga ito:

  • Aamon
  • Aurora
  • Bane (magic build)
  • Cecilion
  • Eudora
  • Faramis
  • Gusion
  • Kadita
  • Kagura
  • Karina
  • Lunox
  • Luo Yi
  • Lylia
  • Nana
  • Pharsa
  • Selena
  • Vale
  • Valentina
  • Vexana
  • Xavier
Credit: ONE Esports

Kung sa magic damage per second (DPS) naman nakasentro ang kalaban, mainam na bumili ng Radiant Armor. Malaking bagay ang kaya nitong gawin sa heroes na continuous magic damage over time ang karga katulad nila:

  • Alice
  • Chang’e
  • Cyclops
  • Edith
  • Esmeralda
  • Gord
  • Guinevere
  • Harley
  • Harith
  • Joy
  • Julian
  • Kimmy
  • Natan
  • Odette
  • Silvanna
  • Valir
  • Zhask

Sa mga pagkakataong maraming magic damage source ang kalaban, mainam na kumuha ng parehong defensive items para masagot ang mga ito.

Para sa iba pang MLBB guides, sundan lamang ang Facebook page ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Top 3 hero counters kay Dyrroth sa Mobile Legends