Ilang Valorant ranked games ang kailangan mo para maabot ang iyong tunay na rank?
Dahil sa soft reset sa iyong rank tuwing magsisimula ang bawat Episode,kinakailangan ng mga players na maglaro ng limang ranked games upang makuha ang kanilang tunay na rank. Ang rank na ito ay halos laging mas mababa sa iyong nakaraang rank sa pagtatapos ng nagdaang Episode, kaya’t mapipilitan kang kunin muli ang iyong dating rank.
Ayon sa Senior Competitive Designer na si Jonathan “EvrMoar” Walker, kinakailangan ng isang average player maglaro ng 20 hanggang 40 games upang magtagpo ang kanilang rank at MMR.
Nangangahulugan na kung maglalaro ka ng ganito karaming games sa isang episode, magiging malapit ksa sa iyong aktwal na rank.
Kailangan mo ng 20 hanggang 40 Valorant ranked games kada episode

Ito ang pinakamadaling paraan upang malaman kung malapit ka sa iyong MMR, sabi ni EvrMoar sa Twitter. Ang isa pang paraan ay ang tignan kung gaano kadami ang RR na iyong nakukuha o nawawala sa bawat match.
Kung mas marami kang nakukuha kaysa sa nawawala sa’yo, ang iyong MMR ay mas mataas kaysa sa iyong rank at maaari mo pang mas mapataas ito. Ngunit kung mas marami ang nawawala sa iyong RR at konti ang iyong nakukuha, nangangahulugan ito na ito na mas mababa ang iyong MMR kaysa sa iyong rank, at itinutulak ng system pababa ang iyong rank.
Gayunpaman, ang bilang ng games ay nagbabago depende sa sitwasyon. “The longest we’ve seen for a player to reach their rank/MMR is 100 games,” sabi ni EvrMoar. “But we think these may be manipulated, such as with purposeful loss streaks. Or the player may just be really unlucky.”
“If you don’t manipulate or purchase an account, our placement system is pretty good at getting you close to your MMR.”
Dahil dito, ang mga bagong players ay kinakailangang maglaro ng mas maraming games upang matukoy ng ranked algorithm ang kanilang tamang rank. “They improve at the game so fast over the course of their first 100 games, so their MMR is off and still increasing on top of their rank,” paliwanag ni EvrMoar.
Ang level 20 account requirement upang makapaglaro sa competitive ay nakakatulong din na i-calibrate ang competitive MMR para sa mga bagong players. “We get a better idea of a player’s skill before they step into ranked,” dagdag ni EvrMoar. “Plus, they have to play around 60 to 100 games to get there and it should help them learn in the process.”
Kung kaya’t kung naglalaro ka lamang ng 10 games kada Episode, oras na para bumalik sa server at punuin ang iyong Act rank triangle.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.