Mas lalo pang pinalawak ng Shattered cinematic ng Valorant ang lore at universe ng game. Sa kauna-unahang pagkakataon, tumawid ang Valorant Protocol papuntang Omega Earth. Ang kanilang misyon – hanapin ang Radianite na ninakaw ng mga Omega agents at alamin kung saan nila ito gagamitin.

Sa kanilang pagtakas ay napunta ang team sa isang comic book store, kung saan nakakita sila ng ilang mga comic book covers na ipinapakita sila bilang mga kontrabida, habang mga bayani naman ang kanilang mga kalaban.

Tatlo sa mga covers na ito ay available na bilang bahagi ng libreng Crossover Event Pass, kabilang ang isang dinisenyo ng comic book legend na si Jim Lee.

Upang ipagdiwang ang pagtawid ng mga Alpha agents papuntang Omega Earth, maglalabas ang Riot Games ng official Valorant comic posters, para pwede mo ring ilagay sa dingding mo sa real world.

Mabibili ang official Valorant comic posters sa Riot store

Merong limang comic posters na pagpipilian:

  • Valorant Legion
  • Alpha Threat
  • War Dawgs
  • Shadow Walker
  • Friendly Fire

Ang bawat Valorant comic poster ay nagkakahalagang US$22 para sa unframed 12 x 18-inch poster, at US$28 naman para sa 24 x 36-inch print. May option din na ipa-frame ito, na may extrang bayad.

Ang Valorant Legion comic poster ay nilikha mismo ni Jim Lee, tampok sina Cypher, Brimstone, Viper, Omen, at Killjoy bilang first line of defense ng Earth.

Nariyan din ang War Dawgs, na binagbibidahan nina Breach at Brimstone. Sa pasabog na background, mukhang handa na talagang magsimula ng gulo ang duo.

Shadow Walker naman ang comic cover para sa mga Omen mains. Sakop ni Omen ang buong cover, nakakakilabot din ang dating ng illustration na bumabagay sa tema ng origin niya.

At panghuli, mas lighthearted naman ang dating ng Friendly Fire tampok sina Killjoy at Raze. Pinapakita dito ang dalawa na nakikipaglaban sa mga tila pink na aliens, sa tulong ng maaasahang turret ni Killjoy.

Ang bawat poster ay made-to-order at maaari nang mabili sa official merchandise store ng Riot.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.