Magkakaroon na ng in-game replay system sa Valorant, pero mukang matatagalan pa ang pagdating nito. Sinagot ni Arnar Hrafn Gylfason, Director of Product Management sa Riot Games, ang hinaing ng community na upang bigyan ng linaw ang feature na hinihiling ng marami.
Isang Ask Valorant blog noong May 19 na nagsasabing binasura ang plano na magkaroon ng in-game replay system, isang desisyon na nakatanggap ng matitinding puna mula sa mga pro players at mga fans.
Mukhang pinakinggan naman ng Riot ang boses ng community. Nilinaw ni Gylfason na nais naman talaga ng developer na ipatupad ang in-game replays, ngunit mas matagal kaysa inaasahan ang pag-develop sa feature na ito.
Magkakaroon ng in-game replay system

Binabanggit na ng Riot ang pagkakaroon ng in-game replay system mula pa noong unang taon ng Valorant. Matapos magpahayag ng interes sa feature na ito noong 2020, nitong buwan naman ay napaatras ang developer at sinabing wala pang plano na magkaroon ng ganitong klaseng system sa ngayon.
Nagpaliwanag naman si Gylfason sa sitwasyon. “We want in-game replays. They will happen but are taking longer than we want,” sabi niya.
Makakatulong ang in-game replay system para mapag-aralan ng mga pros ang kanilang mga nagdaang laban, dagdag pa dito ay mapapadali para sa community ang lumikha ng sariling content at memes.
Inamin din niya ang kakulangan ng transparency na bumabalot sa usaping ito. Magbabago na ito dahil layunin ng Riot na bigyan ng kapangyarihan ang mga developers na magpahayag at makipag-usap tungkol sa kanilang mga plano para sa Valorant.
Hindi masukat ang kasabikan ng team na magbahagi pa ng mas maraming detalye, dagdag pa niya, ngunit naghihintay muna sila ng mas malinaw na timelines.
Maaaring hindi nakapagbigay si Gylfason ng kongkretong timeline para sa in-game replay system, pero ang importante ay ang balitang kumpirmado na ito.
Sa ngayon, maraming mga bagay ang kailangang abangan sa pagdating ng Episodes 5 at 6. “I’m excited to see the next map getting close to ready, deathmatch changes, balance passes for multiple agents, new mode work, and of course how close the tournament system is to an internal beta,” he said.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.