Walang duda na ang majority sa Genshin Impact fanbase ay mga malalaking anime fans.

Ang paglaro ng open-world HoYoverse game na ‘to ay parang panonood ng isang malaking anime show na may mga characters mula sa mga rehiyon ng Mondstadt, Liyue, at Inazume sa Teyvat.

Kaya naman gusto natin makita ang mga paborito naming anime characters sa paborito nating laro.

Ginulat ng HoYoverse ang mga fans noong inanunsyo nila ang pagsali ni Aloy ng Horizon Zero Dawn sa Genshin Impact.

Genshin Impact anime collaboration Aloy Horizon Zero Dawn
Credit: ONE Esports, PlayStation, HoYoverse

Si Aloy ang kauna-unahang guest character ng laro at siya ay magkakaroon ng Cryo vision. Kasama ng kaniyang iconic busog at palaso, nag-debut si Aloy in-game noong October 13, 2021.

Ito ay nagbukas ng isang mundo ng posibilidad para sa mga kolaborasyon sa susunod. Mai-imagine mo ba ang posibilidad na magkaroon ng mga anime husbandos at waifus natin sa laro?



Listahan ng mga anime characters na gusto nating mag-crossover sa Genshin Impact 

  • Hitsugaya Toshiro (Bleach) 
  • Zenin Maki (Jujutsu Kaisen) 
  • Eren Jaeger (Attack on Titan) 
  • Edward Elric (FullMetal Alchemist) 
  • Rem (Re:Zero) 

5. Hitsugaya Toshiro (Bleach) 

Genshin Impact x Bleach
Credit: Garena

Element: Cryo 
Weapon: Sword 
Bansa: Liyue 

Isang shinigami (soul reaper) sa araw, isang magiting na Liyue tactician sa gabi – ito ang ating pag-imagine sa buhay ni Toshiro sa Teyvat.  

Maaring pangunahan ni Toshiro ng Bleach ang Millelith army ng Liyue o pwede ring makakuha siya ng pwesto sa Liyue Qixing para hawakan ang mga usapin sa China-inspired na rehiyon.  

Hindi imposible ang isang Genshin Impact at Bleach partnership, matapos nagsanib pwersa ang Bleach sa MOBA game na Arena of Valor.


4. Zenin Maki (Jujutsu Kaisen) 

Genshin Impact x Jujutsu Kaisen Maki Zenin
Credit: Toho Animation

Element: Anemo 
Weapon: Polearm 
Bansa: Inazuma 

Bilang isa sa best na babaeng characters ng Jujutsu Kaisen, naniniwalaa kami na perpekto si Zenin Maki sa mundo ng Teyvat.  

Kayang-kaya ipaglaban ni Maki ang kaniyang superhuman na lakas gamit ang kaniyang naginata polearm para maging kauna-unahang babaeng Anemo character na hahawak ng armas na ‘to. 

Ang pagkakaroon din ng Anemo vision ay makakabawi sa kakulangan ni Macki ng cursed energy sa Jujustu Kaisen anime series.


3. Eren Jaeger (Attack on Titan) 

Genshin Impact x Attack on Titan Eren Yeager
Credit: Crunchyroll

Element: Geo 
Weapon: Sword 
Bansa: Mondstadt 

Matapos ang lahat ng paghihirap na pinagdaanan ni Eren sa Attack on Titan, nararapat lamang na magkaroon syia ng Geo vision sa Genshin Impact.  

Nakikita natin na maraming oportunidad para kay Eren Jaeger sa Teyvat. Maari siyang sumali sa Knights of Favonious bilang isang honorary cavalry captain ng Mondstadt, o maging bagong myembro ng Crux Fleet ni Beidou sa Liyue, o maging isang rebel na nagtatago sa Narukami Island sa Inazuma.  

Maari rin niyang ipagmayabang ang kaniyang Three-Dimensional Maneuver Gear (3DMG) skills gamit ang pinakabagong game mechanic featuring Thunder Sakura Boughs.  

Umaasa kami dito, dahil lumabas na si Eren bilang isa sa mga collaborative anime characters sa The Seven Deadly Sins mobile game at may kasuotan na siya sa Free Fire.


2. Edward Elric (FullMetal Alchemist)

Genshin Impact x FullMetal Alchemist Edward Elric
Credit: Funimation

Element: Electro 
Weapon: Catalyst 
Bansa: Mondstadt 

Kailangan pa ba ng Mondstadt ng pangalawang alchemist maliban kay Albedo? Kung nasa anyo ito ni Edward Elric ng FullMetal Alchemist, tatanggapin namin!  

Ang transmutation effects ni Edward Elric ay perpekto para sa Electro element. Gamit ang kaniyang abilidad na bumuo ng armas gamit ang mga materyales na nakapaligid sa kaniya, pwedeng-pwede maging isang special catalyst user si Edward na kayang bumuo at gumamit ng mga armas sa Genshin Impact.


1. Rem (Re:Zero) 

Genshin Impact x Re:Zero Rem
Credit: Crunchyroll, TV Tokyo

Element: Hydro 
Weapon: Catalyst 
Bansa: Inazuma 

Kalimutan niyo na ang mga Hydro waifus na sina Barbara at Mona—kayang-kaya lagpasan ni Rem ng Re:Zero ang lahat ng ‘yan.

Dahil walang morningstar ang laro, maaring makita ang defensive water magic ni Rem sa kaniyang character design. Sa kaniyang lore naman, maari siya maging handmaid ni Ayaka ng Kamisato Clan.

Kung gagawin ng HoYoverse at TV Tokyo ang kolaborasyong ‘to, magiging ika-pangalawang playable maid character si Rem matapos ni Noelle.

Ang kaniyang pagsali ay makakatanggap ng mainit na pagtanggap, lalo na’t na-feature na si Rem bilang isa sa mga anime characters sa The Seven Deadly Sins: Grand Cross at Re:Zero collaboration event.

BASAHIN: Kumpletong listahan ng mga Genshin Impact characters: Rarity, element, nation, at release