Kung isa kang fan ng Jujutsu Kaisen ay siguradong masisiyahan ka sa ihanhandog ng nangungunang gaming chair brand na Secret Lab.

Ito ay kasunod ng anunsyo ng Secretlab tungkol sa kanilang pakikipagtambalan sa sa series creator ng sikat na anime na si Gege Akutami at Shueisha para ilabas sa madla ang Jujutsu Kaisen Secretlab chair.

Hango ang disenyo ng upuan sa iconic na Jujutsu High uniform na suot ng mga sikat na karakter ng anime at manga, katulad na lamang nina Yuji Itadori, Megumi Fushiguro, Nobara Kugisaki, and Satoru Gojo.



Maranasan maging parte ng Jujutsu High gamit ang Jujutsu Kaisen Secretlab chair

Credit: Secretlab

Bibigyan ng pagkakataon ng Jujutsu Kaisen Edition Secretlab TITAN Evo chair ang fans na gustong maranasan na maging parte ng Jujutsu High.

Ayon sa Secretlab, sasalaminin ng disenyo ang dark navy colors ng Jujutsu High uniform. Samantala, gagawin namang elegeante ang red stitching na ipaparis dito, hango par in sa suot ng Tokyo Jujutsu sorcerers.

Maingat ding nakatahi ang gold button sa backrest ng upuan gamit ang makabagong 3D embroidery techniques.

Ang Jujutsu Kaisen ay isang hit anime series na ginawa ni Gege Akutami. Sa pinakahuling tala, mayroon nang 80 milyong kopya ang nasa sirkulasyon, rason kung bakit ito ang sinasabing isa sa pinakasikat na shonen series sa huling dekada.

Credit: Secretlab

Samantala, nakatanggap naman ng malawak na pagsubaybay ang anime adaptation nito na nagsimulang lumbas noong 2020. Hindi maikakaila na maganda ang pagkakalatag ng kuwento dito, kung saan supernatural ang tema at pinalilibutan ng masasamang espirito ang mundo.

Ang Secretlab Jujutsu Kaiser Edition chair ang isa sa pinakahuling adisyon ng manufacturer sa lumalawak nitong anime-inspired collection. Matatandaan na naglabas na din ang brand ng collaboration sa Naruto Shippuden, Attack on Titan at Demon Slayer anime franchises.

Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa disentyo, bisitahin lamang ang official website ng Secretlab.

BASAHIN: Bilhin mo na ang Colourpop Naruto collection – hindi ka magsisisi