Ibinunyag ang opisyal na One Piece live action trailer sa One Piece Day 2023, at punong-puno ito ng mga Easter eggs.

Ipinakita sa tatlong minutong trailer ang main cast na sina Inaki Godoy bilang Monkey D. Luffy, Emily Rudd bilang Nami, Mackenyu Arata bilang Zoro, Taz Skylar bilang Sanji, at Jacob Romero Gibson bilang Usopp. Ngunit pinakita rin ng trailer ang mga kontrabida ng unang season.

Nakita ng mga viewers sina McKinley Belcher bilang Arlong, Jeff Ward bilang Buggy, Steven Ward bilang Mihawk, at marami pang iba, para tuksuhin ang isang malupit na laban sa pagitan ng mga Straw Hat pirates at ang kanilang mga kalaban sa inaabangang adaptation na ito.

Ito ang tatlong detalye at Easter eggs mula sa One Piece live action trailer na maaring hindi mo napansin.



3 Easter eggs at detalye na ang mga may matutulis na mata na fans lamang ang nakapansin sa One Piece live action trailer

Isang mas malapitang look sa News Coos sa One Piece live action

Anime One piece News Coo
Credit: Netflix, Eiichiro Oda

Sa trailer, napunta sa bangka ni Luffy ang isang News Coo. Inimbita nito ni Luffy para sumama sa kaniyang adventure, ngunit umayaw ito at lumipad papalayo.

Sa mundo ng One Piece, mga mailmen ang News Coos, tulad ng mga seagulls na nagpapadala ng mga diyaryo at flyers sa mga ships. Naging isang importanteng moment ang 45th episode ng anime dahil unang nagpakita ang isang News Coo dito para ipahiwatig na ang paparating na pagtatapos ng East Blue Saga, ang unang main storyline sa serye.


Gum Gum Axe at Gum Gum Gatling attacks ni Luffy

Nakita sa One Piece live action trailer ang signature attacks ni Luffy: ang Gum Gum Axe at Gum Gum Gatling. Ang Gum Gum Axe ay ang pag-stretch ng isang paa at paghatid ng isang high-gravity na padiyak sa mga kalaban at mga gusali para makadulot ng malalang damage, at kaya rin nitong mawasak ang mga gusali at ships sa isang hit.

Sa Gum Gum Gatling, mabilisang sumusuntok si Luffy gamit ang kaniyang stretching ability, para gumawa ng ilusyon ng maraming kamay. Ngunit hindi naman ito totoo, at ito’y para maging vulnerable siya sa mga mabilis na kalaban na maaring humarang sa atake.


Bellamy at Foxy wanted posters

Nagulat ang mga viewers sa appearance nina Bellamy at Foxy habang sinusuri nina Luffy at Koby ang kanilang wanted posters.

Si Bellamy na parte ng Bellamy Pirates, ay pinakilala bilang kontrabida sa Jaya Arc. Si Foxy ay isang captain ng Foxy Pirates na may Noro Noro no Mi Devil Fruit powers.

Ang pagsama ng mga characters nito ng Netflix, na pinakilala sa Sky Island Saga at Water 7 Saga sa anime, ay maaring maging potensiyal na paglawak ng storiya maliban sa East Blue Saga ng live action serye.

Panoorin ang buong One Piece live action trailer dito.



Ang One Piece ni Eiichiro Oda ay isa sa mga pinakasikat at pinakamatagal na anime serye ng mundo sa kaniyang mahigit 1,000 episodes. Sa puso nito, umiikot ang storiya kay Monkey D. Luffy at ang kaniyang crew, ang Straw Hat pirates, para sundan sila sa kanilang epic quest para hanapin ang legendary treasure na One Piece.

May isang malaking global following ang franchise na ito sa kaniyang anime at manga worldwide. Lumawak din ito sa live attractions, movies, theatrical plays, at ngayon, isang television drama.  

Lalabas ang One Piece live action adaptation sa Netflix sa August 31, 2023.

Sundan ang ONE Esports Philippines para sa karagdagang baltia tungkol sa anime.

BASAHIN: Collab ng One Piece Film Red at Uniqlo tinatampok sila Shanks at ang Red-Haired Pirates