Si Satoru Gojo ng Jujutsu Kaisen ay ang pinakamalakas na Jujutsu sorcerer. Parte siya ng kagalang-galang na Gojo family, mayaman siya, palabiro, mahilig sa matatamis, isang guro sa Tokyo Metropolitan Curse Technical College, at isa ring model para sa Dolce & Gabbana.  

Naghatid na ang mga cosplayers ng iba’t-ibang porma sa protagonist ni Gege Akutami, mula sa mga intense na fighting scenes hanggang sa mga maangas na stills mula sa anime at manga.  

Ang Japanese cosplayer na si willson, na nagco-cosplay bilang si Satoru Gojo nang ilang beses na, ay may ginawang kakaiba. Pinakita niya ang isang kakaiba ngunit relatable na parte ng minamahal na JJK character—isang orihinal na cosplay na hindi pa nakikita ng mga fans.



Ang Satoru Gojo cosplay ni willson sa ilalim ng mga namumulaklak na Sakura tree ay naghatid ng ‘softer side’ sa character 

Anime Jujutsu Kaisen Satoru Gojo cosplay
Credit: willson618

Spring time na sa Tokyo, Japan, kung nasaan ang mundo ng Jujutsu Kaisen.  

Sa Satoru Gojo cosplay na ‘to, ni-reimagine ni willson ang character sa isang kaswal na setting, namamasyal sa park sa ilalim ng mga namumulaklak na Sakura tree suot ang isang putting hoodie at grey jogging pants.  

Katulad ng mga dati niyang Satoru Gojo cosplay, kuhang-kuha niya ang buhok, ang mga pilik-mata niya, at ang nakakaakit na sky blue na mata. Sinamahan pa niya ito ng signature round-lens sunglasses ng character na sinusuot niya sa labas ng paaralan. 

Anime Jujutsu Kaisen Satoru Gojo cosplay
Credit: willson618

Naging espesyal ang cosplay na ‘to dahil sa mga facial expression at pose ni willson. Nakuha niya ang cool at chill na kilos ni Gojo.  

Dinagdagan pa niya ng isang cute at fluffy na pusa na may suot ring mini sunglasses.

Pwede rin ba kami makipag-date kay Satoru, please?  

Sundan si Will sa Instagram para makita ang mga Gojo-licious cosplays niya.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Top 20 anime ni TenZ na dapat mong panoorin