Ibaba mo na ang basahan, dahil nandito na ang The Way of the Househusband book.  

Si Tatsu, ang bida sa “The Way of the Househusband” franchise, ay kilala sa kaniyang dedikasyon pagdating sa mga gawaing-bahay—mapa-luto, linis, o shopping man ito.  

Ngayon, maari na ma-unlock ng mga fans ang mga sikreto niya dahil naghahanda na ang publishing company na VIZ Media na ilabas ang isang bagong coffee table book na base sa minamahal na serye ni Kousuke Oono.  

Sulat ni Laurie Ulster, ang librong “The Way of the Househusband: The Gangster’s Guide to Housekeeping” ay may mga recipes ni Victoria Rosenthal at mga tips para sa paglilinis ng bahay para sa mga anime fans at mga taong-bahay.  



Ibinunyag ng The Way of the Househusband book “The Gangster’s Guide to Housekeeping” ang mga sekreto ng dating yakuza sa household management

Alamin ang daan para sa isang matagumpay na paglilinis ng bahay gamit ang The Way of the Househusband book. Ang praktikal at nakakaaliw na libro na ito ay naghahatid ng mga mahahalagang life skills para sa lahat, mula sa mga busy professionals hanggang sa mga gusto maging homemakers, at pati na rin ang mga malalakas na yakuza

Sa detalyadon gabay na ‘to, matutuklasan ng mga fans ng serye ang mga housekeeping secrets ni Tatsu, isang legendary gangster.  

Matuto sa mga cleaning tricks niya para sa isang kumikinang na bahay. Ngunit hindi lang ‘yan– naghahatid din ang The Way of the Househusband book ng 25 na masasarap na recipe para sa lahat.  

Anime The Way of the Househusband book
Credit: VIZ Media LLC

Sa pagsunod ng mga tips na ‘to at sa pag-channel ng determinasyon ng isang Immortal Dragon, mau-unlock mo ang mga sekreto sa pagluluto, paglilinis, shopping, at crafting. Ang libro na ito ang kasangga mo sa iyong journey.  

Ilalabas ang The Way of the Househusband book sa July 25 at maaring mabili sa Amazon.  

Ang The Way of the Househusband ay isang sikat na manga series na sinulat ni Kousuke Oono.

Ito ay tungkol sa istorya ni Tatsu, isang kinakatakutang yakuza boss na nagpasyang mag-retire sa kaniyang kriminal na pamumuhay para maging isang full-time househusband para suportahan ang kaniyang career-driven na asawang si Miku.  

Pinakita ng serye na ito ang nakakaaliw na transpormasyon ni Tatsu sa mundo ng mga gawaing-bahay, pagluluto, at grocery shopping habang pinapanatili niya ang kaniyang gangster skills at ugali.  

Inadapt na ito sa isang live-action television drama at isang Netflix anime series. Ginampanan ni Hiroshi Tamaki ang role ni Tatsu sa drama, na umera noon October 2020.

Isang taon makalipas ay nilabas ang anime adaptation sa Netflix na may 10 episodes kung saan ginampanan naman ni Kenjiro Tsuda ang boses ni Tatsu. Isang bonus live-action adaptation ang nilabas ng streaming platform na “The Ingenuity of the Househusband” starring si Tsuda.

Para sa iba pang balita tungkol sa anime, gaming, at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 5 anime characters na gusto natin makita sa Genshin Impact