Napakaraming waifu-material na characters ang One Piece, at isa sa kanila ay isang nangingibabaw na performer.

Unang pinakilala sa One Piece Film Red, si Uta ay isang surprise announcement ng creator na si Eiichiro Oda. Ang misteryosong character na ‘to ang anak ni Shanks, na kilala bilang “world’s greatest diva” ng franchise.

Matapos ang record-breaking premiere ng movie, excited na ang mga One Piece fans na makita ang character na ito sa television series, at pati na rin sa totoong buhay sa mga trending Uta cosplays. 

Sumama ang Chinese cosplayer na si SeeU sa One Piece movie hype sa kaniyang pagganap bilang ang diva ng pelikula.

Matutuwa ka sa malupit na performance ng Uta cosplayer na ‘to mula sa One Piece Film Red 

Nag-post si SeeU ng isang selfie ng kaniyang Uta cosplay, kung saan suot-suot niya ang puting dress at oversized jacket ng character. Sinamahan niya rin ito ng isang yellow headset para kumpletuhin ang look. 

Hanga kami sa kaniyang pag-style sa two-tone wig ni Uta, sa pamamagitan ng pagbuo ng dalawang loop sa likod ng kaniyang buhok. 

Para tiyak na maging si Uta, nag-post din si SeeU ng isang video na kung saan siya ang nag-lipsync at sumasayaw sa theme song ng movie na “New Genesis” ng Japanese singer na si Ado. 

Sa mga teaser photos, nais ni Uta na tigilan ng bida na si Monkey D. Luffy ang kaniyang pagiging pirate. Si Uta at Luffy ay kababatang kaibigan, na makikita rin sa trailer ng movie. 

Ang voice actress ni Uta ay si Kaori Nazuka na kilala sa kaniyang mga roles bilang si Nunnally Lamperouge sa Code Geass, Eureka sa Eureka Seven, at Chelsea sa Akame Ga Kill. 

Tignan ang iba pang cosplays ni SeeU sa kaniyang opisyal na Instagram. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang kwento tungkol sa mga paborito mong anime. 

BASAHIN: Sino ang misteryosong karakter sa One Piece live action ending?