Isang Thai representative na lamang ang natitira sa AWC 2021 competition at walang ibang hiling si Bacon Time Moowan kundi ang pagbutihan pa nila.

Mensahe ni Bacon Time Moowan upang palakasin ang loob ng kapwa Thai team

ArenaofValor BaconTime AWC2021
Credit: Bacon Time

Matapos makaranas ng mabigat na talo sa kamay ng Arena of Valor International Championship (AIC) 2019 winners na MAD Team, ang Abyssal Dragon laner ng Bacon Time na si Metasit “Moowan” Leelapipatkul ay nagpadala ng mensahe upang palakasin ang loob ng mga kapwa Thai players sa Arena of Valor World Cup (AWC) 2021.

“To Buriram United Esports and Talon, please continue fighting for the first place. Please bring the AWC championship back to Thailand,” sabi ni Bacon Time Moowan sa kanyang Facebook page.

Nalaglag na rin sa tournament ang Buriram United Esports, kaya ang dtac Talon Esports na lang ang natitirang Thai contender sa AWC 2021.

Natalo ng MAD Team ang Bacon Time sa AWC 2021 Quarteerfinals. Namayagpag ang Taiwanese team sa best-of-five series sa score na 3-1.

Aminado si bacon Time moowan na hindi pa rin nya lubos na nauunawaan kung anong nangyari sa kanyang team sa international tournament.

“We played aggressive team fights and avoided making mistakes,” sabi nya. “Then all of a sudden, before we even knew it, we were out of the competition. I don’t know what happened to us.”

Humingi rin ng paumanhin si Bacon Time Moowan sa kanyang mga supporters, at sinabing ang kanilang pagkatalo ay magsisilbing isang learning experience para sa buong team.

Ang performance ng Bacon Time sa AWC 2021

ArenaofValor BaconTime AWC2021 Roster
Credit: Cao Thủ Liên Quân

Sa pagpasok sa AWC, mataas ang ekspektasyon mula sa RoV Pro League (RPL) 2021 Summer champions na Bacon Time.

Nag-pop off sila sa kabuuan ng Group Stage ng tournament sa pamamagitan ng kanilang napakalinis na 12-0 record laban sa UndeRank ng Malaysia, ArchAngel ng Indonesia, at Saigon Phantom ng Vietnam.

Nahirapan sila nang magsimula ang Knockout Stage. Tinalo sila ng mga Taiwan representatives na MOP Team at MAD Team, sa parehong score na 3-1.

Muli mapapanood ang Bacon Time sa paparating na RPL 2021 Winter regular season na magsisimula sa August.