Magbabagsak ng malaking content update ang Call of Duty Black Ops Cold War Season 5 sa pagdating ng limang bagong multiplayer maps.

Kasabay ng Double Agent game mode, may mga bagong lugar kung saan pwedeng magbarilan sa Season 5 ng Black Ops Cold War.

Maaaring pamilyar ang ilan sa mgha mapa para sa mga diehard Black Ops veterans.

Mga bagong multiplayer maps ng Call of Duty Black Ops Cold War Season 5

Echelon (6v6)

CallOfDuty BlackOpsColdWar Season5 Multiplayer Maps Echelon View
Credit: Activision

Tulad ng ipinakita sa Black Ops Cold War Season 5 cinematic, ang Echelon listening station ang pinakamagandang pwesto para magpasabog ng explosives at komprontahin ang mga kalaban. Kasalukuyang magulo ang lugar matapos ang malagim na operasyon ni Kitsune, kaya’t asahan ang labanan sa gitna ng ulan at abo.

Mula sa magkabilang dulo ng Echelon, maglalaban ang mga teams para makuha ang central control room sa loob ng main dome. Bukod sa pagiging point of interest (POI) sa pag-uumpisa ng barilan, sinabi rin ng mga developers na magiging importante ito sa mga objective game modes.

Bagama’t isa ito sa mga bagong multiplayer maps, nakatanggap na rin ng malubhang pinsala ang Echelon NATO compound. Bukod sa mga sunog at debris, mag-ingat din sa mga puwang sa mga bubungan kung saan maaari kang mahulog at maging sanhin ng ‘yong pagkamatay.

Slums (6v6)

CallOfDuty BlackOpsColdWar Season5 Multiplayer Maps Slums
Credit: Activision

Nagbabalik ang Slums ng Black Ops II sa paglabas ng Black Ops Cold War Season 5.

Ang Slums ay isang multiplayer map na nasa kaloob-looban ng Panama City, kung saan makikita mo ang mga operators na tumatakbo sa town square at sumisilip mula sa central fountain.

Sa kabila ng pagiging isang solid na mapa para sa run-and-gun situations, mayrron ding mga open POIs tulad ng parking lot at laundromat.

Showroom (2v2 at 3v3)

Credit: Activision

Sa mga may gusto ng mas maliit na mapa, narito rin ang Showroom, ang ikatlo at huling multiplayer map na available sa launch.

Ginawa ito para sa Gunfight at Face Off modes. Sa Showroom, ang mga operators ay maglalaban sa isang department store setting. Sa halip na mag-window shopping, ulo ng mga kalaban ang hahanapin mo sa paglabas-masok sa mga kiosk ng Showroom.

Dahil sa ganda ng itsura ng mapang ito, siguradong dudumugin ang Showroom para sa literal na “blowout” ng mga Gunfire tournaments.

Drive-in (6v6)

CallOfDuty BlackOpsColdWar Season5 Multiplayer Maps DriveIn
Credit: Activision

Isa sa mga paborito sa Black Ops, nagbabalik ang Drive-in bilang isang remastered multiplayer map sa Black Ops Cold War Season 5.

Parang galing sa isang action film ang mapang ito. Bagay sa close-quarter combat at maaari ring gamitin ang pagiging malikhain sa paggamit ng mga vantage points tulad ng big screen ng Galactic Drive-in.

Kung gusto mong maging bida hanggang sa huli, mabuti nang lumayo ka sa open parking lot ng Drive-in. Mag-ingat din sa mga abangers sa big screen ng Drive-in at sa kalapit na pulang building.

Zoo (6v6)

CallOfDuty BlackOpsColdWar Season5 Multiplayer Maps Zoo
Credit: Activision

Fieldtrip naman ang datingan ng Zoo sa Season 5, isa na namang classic map mula sa original Black Ops game.

Sa Zoo, maaaring maglaban ang mga players sa mga attractions tulad ng mga bear pits at aquariums. Kung gusto mong gelatin ang mga kalaban, pwede kang mag-abang sa Zoo souvenir shop.

Meron ding monorail na pwedeng sakyan kung saan magkakaroon ka ng access sa eagle-eye view ng mapa.

Tignan ang official Call of Duty Black Ops Cold War Season 5 blog post.