Naglabas na naman ng panibagong event ang Call of Duty Mobile Season 3, ang A Solider’s Choice Event. Sa event na ‘to, maaring makakuha ng maraming awards ang mga players nang libre tulad ng mga epic characters, epic weapon blueprints, at iba pa.  

Ngunit ang pinakaimportanteng reward sa event na ito ay ang fan favorite Operator na si Menendez. 

A Soldier’s Choice Event: Paano makuha ang Menendez operator 

CODM A Soldier's Choice Event Menendez operator
Screenshot ni Pauline Faye Tria/ONE Esports Philippines

Maaring ma-unlock ng mga players ang Menendez operator sa pamamagitan ng pagkumpleto ng lahat ng missions at daily challenges araw-araw sa A Soldier’s Choice Event.

Para simulan ang challenge, pumunta sa Event tab sa home screen. Kailangan mong “kausapin” si Menendez para makakuha ng kaniyang pag-apruba para makakuha ng mas maraming points.  

Kailangan mo makuha ang “Menendez’s approval” para ma-unlock ang lahat ng base rewards.  

Ito ang lahat ng mga base rewards na pwedeng makuha sa event na ‘to: 

  • Backpack – Fresh Skin 
  • Knife – Fresh Skin 
  • Thumper – Fresh Skin 
  • ARG 556 – Fresh Skin 
  • M4 – Fresh Skin 
  • RUS-79U – Fresh Skin 
  • Dragons In Space – Calling Card 
  • Trident Toad – Sticker 
  • Menendez – Safari Fashion 

Babala: hindi permanente ang Menendez skin na makukuha mo. Para makuha ito nang permanente, kailangan mong kumpletuhin ang Phase 2 ng A Soldier’s Choice Event sa pamamagitan ng pag-grind ng Multiplayer o Battle Royale na gamit ang Menendez skin. 

Para naman sa epic weapon blueprint na Fennec—Pure Fury, kailangan mong makapatay ng 100 na kalaban sa Multiplayer o Battle Royale. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita at gabay tungkol sa CoDM.