Alam nating lahat na mahirap ma-master ang Call of Duty: Warzone. Mula sa kaniyang battle royale mode patungo sa pag-customzie ng weapons at classes, sobrang daming dapat matutuhan sa larong ito, kahit ikaw ay first-timer o isang longtime na beterano ng CoD.
Sa kabutihang-palad, mayroong kaunting top-tier streamers na nakahandang turuan ang komunidad ang magbahagi ng kanilang latest meta strats, weapon loadouts, at tips at tricks.
Ito ang limang Warzone streamers na pwedeng tumulong saiyo gumaling.
5. TeeP
Sa kaniyang paglabas sa COD pro scene noong 2016 at pagpasok sa mundo ng content creation, walang dinala si Tyler “TeeP” Polchow kundi ang pinakamahusay na pamamaril sa Warzone.
Pinagmamalaki niya ang halos 2,000 wins at 5.09 kill-to-death ratio, nagbibigay ng tahimik na bravado si TeeP sa laro na kaugnay sa kaniyang esports background. Bagamat hindi siya masyadong hyped tulad ng ibang Warzone streamers, ang kaniyang mga squad wipeouts at pinpoint movements ay isang must-watch para sa kahit kanino na gusto magkaroon ng clutch mentality.
4. TimTheTatman
Si Timonthy “TimTheTatman” Betar ay nagdadala nang mas wholesome na ugali sa fast-paced squad action sa Warzone.
Bilang isang lovable guy sa kahit anong squad na sinasalihan niya, pinapakita ni Tim na ang totoong panalo ay galing sa pagkakaibigan at teamwork. Kahit ang Twitch Warzone streamer na ito ay hindi masyadong mechanically skilled, ang kaniyang walang hanggang passion para gumaling ay isang bagay na dapat hinahangaan ng bawat aspiring player.
3. ZLaner
Habang ang mga pinakamahusay na shooters sa COD ay kadalasan gumagamit ng mouse at keyboard, si Zack “ZLaner” Lane ay sumikat bilang diyos ng controller sa Warzone.
Ang kahanga-hangang pad skills ni ZLaner ay sobrang husay na ikaakusahan na siya ng hacking. Matapos niya mapatunayan kung paano gumagana ang kaniyang claw technique sa isang two-part video, ang Warzone streamer na ito ay tuluyan nang sumikat sa pamamagitan ng pagiging honorary duos partner ni Dr Disrespect mismo.
Kung ikaw ay isang console/controller player, si ZLaner ang dapat mong piliin para matutuhan mo ang mga quick skills para magamit sa iyong mga laro.
2. Dr Disrespect
Ang pinakamalupit at athletic na competitor sa video game history, pumapasok si Herschel “Dr Direspect” Beahvm IV sa listahan ng mga longtime contenders sa battle royale at FPS genres.
Suot-suot ang kaniyang fake mustache at mullet wig, nagdadala si Dr Disrespect ng isang caricature na may pake lang sa pag-trash talk at sa pagpanalo ng mga laro.
Dagdag pa sa lahat ng lip service na iyan, magaling rin si Doc sa pagkuha ng mataas na KD runs at naninigurado rin siya na alam ng lahat sa mapa kung gaano siya kagaling sa kaniyang assault rifle at sniper loadouts.
1. CouRage
Sa pagbigay pansin ng FPS genre sa pagkuha ng mga insane kill counts at headshots, pinapaalala sa atin ni Jack “CouRage” Dunlop na ang pag-e-enoy ay napakaimportante sa isang laro tulad ng Warzone.
Sa halip ng kaniyang usual na kill montages, inaaliw ni CouRage ang kaniyang fanbase sa pamamagitan ng mas lighthearted at katawa-tawang videos sa field. Makikita mo agad si CouRage at ang kaniyang squad na sinusubukan ang mga unorthodox weapons tulad ng scoped LMG at ang pag-spin ng wheel of misfortune na magpwe-pwersa sa kaniya na tanggalin ang lahat ng kaniyang mga armor plates.
Kung naghahanao ka ng casual content na magtuturo saiyo ng basics ng communication at teamwork, si CouRage ang Warzone streamer para saiyo.