Sinubukan ng streamer na si Zack “ZLaner” Lane ang Street Sweeper class ni Turner “Tfue” Tenney at ibinahagi nya ang kaniyang opinyon tungkol sa playability ng shotgun sa Call of Duty: Warzone.

Kadalasang ginagamit ni Tfue ang Street Sweeper bilang close-combat finisher kasama ng kanyang RAM-7. Kapag nakarating na sa mga sidewalks at loob ng mga buildings ang streamer, asahan mong uubusin nya ang laman ng kanyang shotgun clip para itumba nang mabilisan ang mga kalaban.

Opinyon ni ZLaner sa Street Sweeper class ni Tfue sa Warzone

Ibinigay ni ZLaner ang mga detalye sa naturang class at ipinaliwanag ang mga attachments ma gimagamit ni Tfue. Binigyan nya ng pansin ang importansya ng Ember Sighting Point para sa dagdag na Effect Damage Range at ng SAS Combat Stock para sa dagdag na Movement Speed.

Nang subukan nya ito sa Quads mode, naglaro si Zlaner kasama si Guy “Dr Disrespect” Beahm IV at nakakuha sya ng 38 kills, patunay na hindi basta-basta ang Street Sweeper.

Sinabi ng streamer na talagang viable ang baril para sa close-range combat, pero ang downside nga lang ng Street Sweeper ay ang napakatagal nitong reload time. Aabuting ng 18 segundo para mapuno ang isang 18-slug magazine.

Para malunasan ito, nagre-reload si ZLaner hanggat kaya nya tuwing may mapapatay na kalaban, nagtatago din sya sa mga sasakyan para magkaron ng cover habang nagre-reload.

CallOfDuty Warzone ZLaner Street Sweeper Class
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Narito ang mga detalye ng Street Sweeper class:

  • Muzzle: Agency Choke
  • Barrel: 13.3″ Reinforced Heavy
  • Lazer: Ember Sighting Point
  • Stock: SAS Combat Stock
  • Ammunition: STANAG 18 RND

Mapapanood ang reaksyon ni ZLaner sa Street Sweeper ni Tfue sa kanyang official video sa baba: