Ibinunyag ng streamer na si Zack “ZLaner” Lane ang kaniyang go-to CR-56 AMAX class para magwagi sa mga long-range engagements sa Call of Duty: Warzone.
Detalye ng CR-56 Warzone AMAX class ni ZLaner
Bagamat nagkaroon ng onting nerf ang AMAX sa kaniyang damage output (32 patungong 31), sinabi ng streamer na ito pa rin ang isa sa pinakamalupet na assault rifles sa laro.
Nagpakita ang streamer ng kaniyang pagmamahal para sa class na ito at lagi niya itong pinipili bilang unang slot sa kahit anong loadout. Para sa mga taong gusto ibahin ang kanilang weapon choices, isang malaks na long-range automatic rifle ang AMAX.
Para sa secondaries, sinubukan niya naman ang XM4 bilang isang maaasahang short to mid-range na option.

Ito ang mga detalye ng CR-56 AMAX class:
Muzzle: Monolithic Suppressor
Barrel: XRK Zodiac S440
Optic: VLK 3.0x Optic
Underbarrel: Commando Foregrip
Ammunition: 45 Round Mags
Para makita ang maximum damage ng baril na ito, maari mong panoorin ang full video ni ZLaner dito: