Ibinahagi ng streamer na si Nicholas “NICKMERCS” Kolcheff ang kaniyang mala-impaktong AS VAL class sa Call of Duty: Warzone Season 3.

Mabangis ang PKM class ni NICKMERC pero aniya, ang secondary weapon nyang AS VAL class ay halimaw din. Banggit pa nga ng streamer na ito daw talaga ang kanyang go-to choice sa mga tournament.

Mga detalye ng AS VAL class ni NICKMERCS sa Warzone

Pinakamibilis na killing weapon ang AS VAL sa Warzone ngayon. High-level damage at fire rate ang kargada ng assault rifle na ito kahit pa mas maliit ang range.

Bagamat ito ang paboritong AR ni NICK sa meta, aminado syang mahina ang dalang 30 rounds nito kaya naman mahirap ang reload mechanics lalo na sa mga skirmish.Kung bilib ka sa mga tirada mo at hindi problema sayo ang palagiang mag-reload, swak ang AS VAL class para sayo.

Heto ang mga detalye tungkol sa AS VAL class:

  • Barrel: VLK 200mm Osa
  • Stock: Stovi 6P30 Skelet
  • Underbarrel: Merc Foregrip
  • Ammunition 30 Round Mags
  • Rear Grip: Rubberized Grip Tape

Kung gusto mong makita si NICK mambastos ng mga operator gamit ang AS VAL, panoorin ang official video below: