Etsa-puwera muna ang assault rifle meta ng Call of Duty: Warzone para kay Nicholas “NICKMERCS” Kolcheff nang ibida nito ang bagong LMG standard gamit ang bullet-heavy PKM class.
PKM loadout ni NICKMERCS sa Warzone
Napatunayan ng tanyag na Call of Duty figure ang kakayahan ng PKM na tumadtad ng kalaban o sasakyan, sa tulong na rin ng magandang positioning, matapos testing-in ito nang ilang linggo.
Sa kabila ng pagiging slow-moving gun at low mobility, na karaniwan sa mga LMG, napagana ni NICKMERCS ang PKM sa pag-equip ng mas mabilis na secondary weapon. Ipinareha ito ng streamer sa mas mabilis at mas magaan na Fennec SMG sa kanyang feature video.

Ito ang detalye ng PKM class NICKMERCS:
- Muzzle: Monolithic Suppressor
- Barrel: 26.9” Extended Barrel
- Optic: VLK 3.0x Optic
- Stock: FORGE TAC Stalker
- Underbarrel: Snatch Grip
Kung hindi ka pa kumbinsido sa kakayanan ng LMG sa laro, baka mabago ng video na ‘to ang isip mo: