Ang Call of Duty: Warzone streamer na si Tyler “TeeP’ Polchow ay nakadiskubre ng bagong Swiss K31 class na maaring maging susunod na pinakamagandang sniper rifle sa FPS battle royale.
Detalye ng Swiss K31 class ni Teep sa Warzone
Sinubukan ng dating COD pro ang sniper rifle matapos itong makatanggap ng Flinch Resistance at Aiming Stability buffs sa 80s Action Heroes patch update.
Sa mas-steady na shot, binanggit ng streamer na ang Swiss K31 ay matindi na kahit default scope pa lang ang gamit at may di-papatalong bullet velocity sa tamang attachments.
Sa kanyang demo video, makikita si TeeP na pumipitas ng kills sa layong mas higit pa sa 100 meters at tumapos ng isang plunder game na may 78 eliminations.

Narito ang detalye ng Swiss K31 class:
- Muzzle: Sound Moderator
- Barrel: 24.9″ Combat Recon
- Laser: SWAT 5mw Laser Sight
- Stock: Raider Stock
- Rear Grip: Serpent Grip
Mapapanood ang paggamit ni TeeP ng rifle sa kanyang video sa baba: