Naghahanda na ang Call of Duty: Warzone para sa pinakamalaking competitive circuit nito, ang World Series of Warzone (WSOW).
I-shoshowcase ng WSOW ang apat na online Warzone competitions na mayroong US$300,000 prize pool kada event. US$1.2M ang nasa linya, at ang serye na ito ang pinakamalaking program pize pool sa isang Warzone tournament so far.

Format ng World Series of Warzone
Ang unang WSOW event na ito ay magfi-feature ng dalawang konektadong formats ng isang indibidwal na competitive tournament at isang Captain’s Cup.
Individual competitive
Tulad ng usual na competitive battle royale format, ang mga WSOW players ay maglalaban-laban sa isang 50-trio custom lobby sa loob ng anim na matches. Ang trio na may pinakamadaming points ang makakakuha ng US$200,000.
Para naman sa natitirang US$100,000 ito ay up for grabs sa Captain’s Cup, ayon sa Activision Blizzard.
Captain’s Cup
Ang Captain’s Cup ay isang semi-invitational draft-based na event, na may halong sumisikat pa lang na Warzone players at ang mga pinakamahusay na Call of Duty League pros sa mundo.
Limang captains na pinili ng COD franchise ang bubuo ng isang team ng 10 trios, kasama na ang kanilang sariling trio.
Maliban sa paglalaro para sa sarili nila, ang mga drafted trios ay magrerepresenta ng teams ng kanilang captains sa anim na sinabing matches.
Ang performance ng limang teams na ito ang magpapasya ng kanilang share ng Captain’s Cup prize pool. Ang nanalong captain ay makakakuha ng US$20,000 prize para sa sarili niya at US1,000 para sa bawat myembro ng kanilang captain team.

Paano gumagana ang points sa WSOW
Ang mga squads sa World Series of Warzone ay bibigyan ng scores base sa kanilang total kills at placement sa bawat match. Ang main goal ay elimination para sa mga squad dahil ang kanilang final placement kada match ay gagana lamang bilang isang point multiplier.
Point system para sa WSOW Duos
Bawat kill ng player sa bawat match: 1 WSOW point
- 1st Place: 2x point multiplier
- 2nd-25th Place: 1.5x multiplier
- 26th-75th Place: No multiplier
Point system for WSOW Trios
Bawat kill ng squad member sa bawat match: 1 WSOW point
- 1st Place: 2x point multiplier
- 2nd-15th Place: 1.5x multiplier
- 16th-50th Place: No multiplier

World Series of Warzone schedule
Maguumpisa ang tournament circuit sa isang serye ng open qualifiers bago ang main WSOW event. Ang mga online events na ito ay magbibigay ng pagkakaton sa mga aspiring players para mag-squad up at makipag-bakbakan sa mga pinakamagaling na Warzone pros.
WSOW Qualifiers
Ang unang apart na qualifiers ay maglalaro sa isang mixed-squad, best-of-two (BO2) matches. Ang isang myembro ng team ay magsasali ng dalawang myembro ng team ng laban, at sila magaabang sa separate na public lobbies. Ang team na may pinakamaraming kills ay uusad sa single-elimination bracket.
Ang top na walong teams mula sa bawat qualifier ay uusad sa WSOW Trios NA Qualifier Finals.
- Qualifier 1: May 24 (64 teams) at 8:00 p.m. EST (May 25 8:00 a.m. GMT+8)
- Qualifier 2: May 25 (64 teams) at 8:00 p.m. EST (May 26 8:00 a.m. GMT+8)
- Qualifier 3: May 26 (64 teams) at 8:00 p.m. EST (May 27 8:00 a.m. GMT+8)
- Qualifier 4: May 27 (64 teams) at 8:00 p.m. EST (May 28 8:00 a.m. GMT+8)
Qualifier Finals
Ang top 32 teams ay maglalaban-laban sa isang final double-elimination bracket. Ang format ay magiiba at ito ay magiging regular team set-up na mayroong best-of-three (BO3) matches. Ang team na may pinakamaraming kills ang uusad sa tournament.
Ang mananalo sa Qualifier Finals ay makakatanggap ng imbitasyon sa main event.
- Qualifier Finals Day 1: May 29 (32 teams), 1:00 p.m. EST (May 30 1:00 a.m. GMT+8)
- Qualifier Finals Day 2: May 30 (32 teams), 1:00 p.m. EST (May 31 1:00 a.m. GMT+8)
World Series of Warzone Trios NA
Kapag natapos na ang Qualifier Finals, maguumpisa na ang pinakaunang main event ng Activision Blizzard, ang WSOW Trios NA.
- June 22: Captain’s Cup draft
- June 23: Live competition
Maari mong panoorin ang dalawang araw sa opisyal na World Series website.
Sa mga susunod na linggo, mga karagdagang detalye ang ia-anunsyo tungkol sa mga kasaling teams at captains para sa event na ito.

Paano sumali sa World Series of Warzone
Qualifier registration
Kung ikaw at ang iyong squd ay gustong sumali sa World Series of Warzone, maari kayong mag-register para sa apat na qualifiers sa Gamebattles website.
Lahat ng players ay sakop ng eligibility restrictions at opisyal na rules, tulad ng pagiging 18 years old pataas at base sa North America para sa unang WSOW event.
Dalawang araw na lang bago magsara ang registration kaya siguraduhing mag-sign up na kung sa tingin mo ikaw ang pinakamahusay na operators ng Verdansk.
Iba pang paraan para mag-qualify
Bahagi ng mga WSOW participants ay iimbitahan ng Activision at 12 na CDL teams. Ang CDL teams at WSOW program affilitates ay maari ring mag-host ng community tournaments at mag-qualify ng mga karagdagang squads.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na World Series of Warzone website.