Binalik tayo ng Call of Duty: Warzone sa golden films ng mga action films matapos ito maghatid ng pinakabagong Season Three Reloaded update, ang 80s Action Heroes.

Ang 80s Action Heroes event ay magkakaroon ng limited-time bundles, game modes, at map changes na magbibigay pugay sa mga film franchises na Die Hard at Rambo.

Ang mga 80s Action Heroes na sina John McClane at Rambo ay nasa Warzone na

Ang pinakamalupet na addition so far, ang mga action icons na sina John McClane at Rambo ay pumasok sa Warzone bilang brand-new operators na maaring ma-enjoy ng mga players.

Ang bawat character ay mar sariling purchasable operator bundle, at maari mong asahan na ika’y magmumukhang 80s action star dahil sa mga unique finishing moves nila at tatlong legendary weapon blueprints.

May kasamang assault rifle, LMG, at knife blueprint ang Rambo bundle habang mayroon namang tactical rifle, SMG, at assault rifle blueprint ang John McClane ng Die Hard.

Ang mga movie-inspired locations sa Verdansk ’84 

Maliban sa pagpasok ng mga 80s Action Heroes sa Warzone, maaring mag-expect ang mga players ng mga bagong points of interest sa Verdansk ‘84.

Kung makita mo ang sarili mo na nasa Downtown, hanapin mo ang Nakatomi Plaza mula sa Die Hard. Ito ay pinaka-mataas na gusali na makikita sa Warzone at mayroon itong limang floors para makagapang ka tulad ni John McClane.

Kahit na hindi ito nagawa ni Hans Gruber at ang kaniyang mga kasabwat, pwede mong subukan ang luck mo sa pag-crack ng Nakatomi Plaza vault para sa isang malaking payday, ngunit alalahanin mo na ang buong Verdansk ay maghahanap ng susi nito.

Para naman sa Rambo, sampung survival camps ang nasa Verdansk, at ito ay punong-puno ng quick items at dog tags para sa mga namatay mong comrades.

Ang chismis ay kung maka-kolekta ka ng marami nito at I-deposit mo sa bagong CIA outpoast sa Verdansk Northwest, maari kang makaipon ng air reinforcements.

Mga bagong weapons ng 80s Action Heroes 

maaring I-equip ng mga players ang signature Combat Bow ni Rambo bilang isang tahimik na paraan para makapagdulot ng explosive damage. Bilang isang killstreak, maari kang pumunta sa pinakamalapit na Buy Station para bilhin ang long-range armament na ito.

Bagamat nagpakita na ito sa Black Ops Cold War, ang Ballistic Knives ay available na sa Warzone.

Kung hindi ka pa pamilyar dito, kilala ng Ballistic Knives dahil sa kaniyang versatility bilang isang melee weapon at isang projectle blade sa malayo.

Subukan mo maranasan ang non-stop action sa bagong Power Grab game mode

Mayroon ding bagong limited-time mode sa Power Grab sa Warzone, at ito ay isang thrilling mix ng usual na battle royale at Kill Confirmed.

Sa limited-time mode na ito, mahuhulog ang mga players sa mga maliliit na circle para sa magkaroon ng hotter drops at mas mabilisang elimination. Ang pinakamalaking twist? Wala nang gulag. 

Ikaw at ang squad mo ay maaring mag-revive sa isa’t-isa sa pamamagitan ng Buy Station o sa koleksyon ng Dog Tags mula sa mga namatay na operations, ang pag-kumpleto ng contracts, at sa mga supply boxes.

Maaring I-check ng mga players ang kanilang Dog Tag progress sa kanan ng kanilang HUD. Ang reward ay maari maging UAV, isang Respawn Token, gas masks, at mga specialist bonuses.

Credit: Activision

Live na ang 80s Action Heroes ng Warzone hanggang sa June 19, 12 ng hapon (GMT +8).

Para sa karagdagang impormasyon, maari mong bisitahin ang opisyal na 80s Action Heroes Warzone blogpost.