Punong-puno ang ONE Esports Warzone Showdown ng mga malulupit na performances mula sa walong mahuhusay na streamers. Maging pag-kuha ng longshots o mga malalapitang engkwentro gamit ang mga SMGs, pinakita ng mga standout operators na ito kung ano ang totoong ibig sabihin ng “staying frosty” sa Verdansk.

Ito ang limang top plays mula sa ONE Esports Warzone Showdown.

5. Pinasabog ni Myrtle Sarrosa ang isang helicopter 

Pagdating sa mga high-adrenaline power plays, alam ni Myrtle Sarrosa kung paano i-channel ang kaniyang inner Rambo at maghatid ng mga bullet-heavy action.

Habang nakasakay sa gilid ng chopper, na-spot ng streamer ang kaniyang bounty target na naka-parachute pababa. Sa kanilang paghabol nito sa Verdansk skyline, pinasabog ni Myrtle ang lumilipad na target na ito nang walang kahirap-hirap gamit ang Longshot (71.27m), at nakakakuha ng isang team wipe at contract completion sa isang bagsakan.

4. Nag-slide in si Maggiekarp para makakuha ng team wipe 

Isa pa si Maggiekarp sa mga streamers na nagpa-wow ng mga nanonood ng Warzone Showdown dahil sa kaniyang pinpoint ground coverage.

Matapos mag-drop sa Verdansk Train Station, sinundan ni Maggiekarp ang isang perpektong enemy ping ng kaniyang scouting teammate. Kahit na hindi niya kita ang kalaban, nag-crouch slide si Maggie patungong dalawang pintuan at nagpaulan ng mga bala sa attacker niya, at dahil diyan, nakakuha siya ng isang savior kill at isang team wipe.

3. Nag-track down ng double kill si Alodia Gosiengfiao 

Ang close-quarter combat naman ni Alodia Gosiengfiao ay isang action-packed na regalo para sa mga nanonood ng Warzone Showdown.

Matapos ma-spot ang iilang campers sa rooftop, tumalon mula sa kanilang chopper si Alodia at pumatay ng kalaban na na-damage ng helicopter blades sa mukha.

Habang umiikot sa rooftop, ang Tracker niya ay nakarinig ng footsteps mula sa ibang kalaban. Habang distracted sa helicopter ang kalaban, pinasok ni Alodia ang Tracker mula sa corner at nakakuha ng perfect spray para sa double elimination.

2. Nagpakitang-gilas si Ashley Gosiengfiao gamit ang AX-50 sniper rifle 

Sa kahit anong firefight, isang long-range killer si Ashley Gosiengfiao gamit ang kaniyang AX-50 sniper rifle.

Habang naka-posisyon sa likod ng loadout drop, sumabak sa gulo si Ashley sa pamamagitan ng pagubos ng clip ng AR niya sa paparating na Big Bertha truck. Noong bumaba na sa sasakyan ang mga kalaban, nilabas na ni Ashley ang kaniyang AX-50 at agad agad pinatumba ang isa sa mga stray targets para sa isang assist.

Noong isa na lang ang kalaban na naiwan sa field, cinorner ng Team Ashley ang player na ito at nakasungkit ng Warzone victory gamit ang isang magarang airstrike.

1.Isang ultimate squadmate si Alita Zunic sa Warzone Showdown 

Napatunayan ni Alita Zunic kung gaano siya kahusay bilang isang teammate sa mga pinakamatinding engagements sa Warzone Showdown.

Matapos bumaba sa kaniyang Big Bertha truck, agad-agad na niligtas ni Alita ang kaniyang teammate na na-down. Matapos naman niyang I-ping ang lokasyon ng kalaban, agad-agad rin pinatay ni Alita ang kalaban na ito at matagumpay na ginanti ang kaniyang teammate gamit ang perpektong snipe.

Imbis na magdiwang siya sa frag na ito, tumakbo pabalik si Alita, ni-revive ang natumbang ally, at nagtapon ng cash para sa Buy Station, at pinagpatuloy ang pagmaneho sa Big Bertha. Ano pa ang hihilingin mo mula sa isang teammate?