Nagbigay ng sariling spin ang streamer na si Timothy “TimTheTatman” Betar sa Call of Duty: Warzone sa kaniyang maximum mobility AK47U class.

Sa 80s Action Heores patch update, marami ang nabago sa AK47U para maging mas angkop ito sa SMG category.

Sa kabila ng pagtanggap ng mga nerfs sa kaniyang Bullet Velocity at Maximum Damage Range, bumibida na ngayon ang AK 47U dahil sa kaniyang mas 20% na mabilis na Sprint to Fire Speed at mas malakas na 1.4x Neck Multiplier.

Detalye ng AK47U class ni TimTheTatman sa Warzone 

Bilang isang fan ng SMG sa mga dating COD games, gusto magpakita ng respeto si TimTheTatman sa bagong inadjust na baril na ito. Habang hindi ito ang pinakamahusay na SMG sa laro, naniniwala si Tim na may halaga pa rin ang AK 47U bilang isang tenured gun sa franchise.

Sa kaniyang video, humabol ng mga kalaban si Tim nang may takip at nagbigay ng mga mabilisang kill confirm damage sa mga intense na firefights.

Kung hindi ka naman mahilig sa accuracy, maaring maging isang fun loadout ang AK 47U class na ito para sa mga magarang kills.

Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Ito ang mga detalye ng AK47U class: 

  • Barrel: 10.3″ Task Force 
  • Laser: Tiger Team Spotlight 
  • Stock: RGB Skeletal Stock 
  • Underbarrel: Bruiser Grip 
  • Ammunition: Taped Mags 

Panoorin ang pagtakbo ni Tim sa Verdansk gamit ang AK 47U sa kaniyang video dito: